Star Magic Gives Back Concert at Sunpiology Run, Tagumpay!

Piolo Pascual

Picture 1 of 21

NAGING MATAGUMPAY ang 2nd Star Magic Gives Back concert na ginanap noong Nobyembre 24 sa Venice Piazza sa McKinley Hills, kung saan nakibahagi ang pinakamalalaking artista sa bakuran ng Star Magic na sina  Pokwang, Sweet Lapus, Robi Domingo, Sam Concepcion, Empress, Jason Abalos, Matteo Guidicelli, Jessy Mendiola, Paulo Avelino, Khalil Ramos, Jolo Estrada, PJ Edrinal, Xian Lim, Maja Salvador, Rayver Cruz, JM de Guzman, Alex Castro, Bryan Termulo, Bangs Garcia, Young JV, Myrtle Sarrosa, Enrique Gil, Marcelito Pomoy, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Nyoy Volante, Jovit Baldivino, Yeng Constantino, Angeline Quinto, at Piolo Pascual.

Bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Star Magic ang nasabing concert.

Samantala, sa pakikipagtulungan sa Sunlife, naganap ang first SunPIOLOgy Run sa nasabing lugar, na pinangunahan ni Piolo Pascual. Ilan sa mga tumakbo ay sina Xian Lim, Matteo Guidicelli, Jason Abalos, Arron Villaflor, X Factor na sina Jeric Medina at Kedebon Colim, Francis Magundayao, Dominique Roque, at ang mga child satrs na sina Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla.

Napuno ang nasabing venue ng avid followers na masayang naging bahagi ng benefit run at concert for a cause na ang beneficiaries ay ang Hebreo Foundation, Sagip Kapamilya, Sanctuary Center at Reception and Study Center.

Para makalikom ng mas malaking halaga para sa beneficiaries ng joint project ng Sunlife at Star Magic, magkakaroon ng “BID2GIVE: Wear the SUN and your favorite STARS” online auction, kung saan may pagkakataon na mabili ang mga autographed singlet ng mga paborito n’yong Star Magic stars. Mag-log on lang sa www.sunpiology.com  at sundan ang Star Magic sa twitter @StarMagicPhils at Facebook www.facebook.com/starmagicphils para sa iba pang detalye.

By Dani Flores

Parazzi Wires Photos

Clickadora

loading...

One thought on “Star Magic Gives Back Concert at Sunpiology Run, Tagumpay!

  1. Pingback: Star Magic Gives Back Concert at Sunpiology Run, Tagumpay!Latest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.