Star Magic Brawl: Ang sapakang Coco Martin at Matteo Guidicelli dahil kay Maja Salvador

ISA SA isyung pumutok sa Star Magic Ball last September 4, 2011 ay ang suntukang naganap sa pagitan nina Coco Martin at Matteo Guidicelli. Bago pa man nangyari ang nasabing gulo, kumakalat na noon ang bali-balita na pinagseselosan daw nang husto ni Matteo si Coco dahil sa sobrang closeness at sweetness na nakikita raw rito at sa girlfriend na si Maja Salvador. Nang panahong ito ay wala pang kumpirmasyon sa  kampo ng bawat isa kung ano ba talaga ang estado ng kanilang relasyon, samantalang mainit na tinatangap naman ng publiko ang tambalang Coco-Maja sa seryeng Minsan Lang Kita Iibigin, kung saan lumikha pa nga ito ng hukbo ng mga tagahanga. Marami rin ang kinikilig sa bawat mall shows ng Minsan Lang Kita Iibigin, kung saan takaw-atensyon sa mga song numbers ng dalawa ang mga nakaw na halik nina Maja at Coco na ‘di naman nabigong lumikha ng kiliti sa isip ng publiko na mukhang may espesyal na namamagitan sa dalawa na adbantahe sa mataas na ratings ng show.

Kapansin-pansin ang hiwa-hiwalay na pagdating nila Maja, Coco at Matteo sa nakaraang Star Magic Ball na ginanap sa Manila Peninsula. Inasahan ng marami na escort ni Maja ang nababalitang boyfriend na si Matteo o si Coco na kapareha naman niya, pero solong dumating ang aktres. Marami ang sumubok na ma-interview si Coco, pero sa ‘di malamang dahilan ay iwas itong magpaunlak ng interview sa kahit na sino. Si Matteo naman, ‘di mahahalata na may mabigat na palang pinagdaraanan ang relasyon nila ni Maja.

Nagulat na lang ang lahat nang maglabasan kinabukasan na nagkaroon na nga raw ng engkuwentro kina Coco at Matteo pagkatapos ng Star Magic Ball. Ayon sa mga lumabas na balita, medyo nakainom na ang dalawa nang maganap ang nasabing suntukan. Lumapit daw si Matteo kay Coco, inayang mag-usap sila, inakbayan daw nito si Coco at dahil nga may mga nakakarating na kay Coco na nagseselos sa kanya si Matteo, iba ang naging dating nito sa aktor kung kaya’t nauwi sa suntukan. Sa isang kuwento naman ay tinawag raw na “faggot” ni Matteo si Coco kaya nagpanting daw ang tenga nito at sinuntok ang young actor.

Kinabukasan, September 5, sa The Buzz ay nag-guest si Maja at sa interview sa kanya ni Tito Boy Abunda, umiiyak na inamin ng young actress na totoo ang nasabing suntukan, selos nga ang dahilan at may relasyon silang dalawa ni Matteo. Pero nang mga panahong iyon, dahil sa nangyari, ay ‘di niya alam kung saan papunta. Pagkatapos naman ng ilang araw, sa programang Happy, Yipee, Yehey, ay pormal na humingi ng tawad si Matteo sa publiko, sa mga big bosses ng ABS-CBN at kay Coco dahil sa nangyari. Sa first shooting day naman ng pelikulang You Light Up My Life na pinagtatambalan nina Coco at Angeline Quinto, nakausap namin ang aktor at naging bukas na rin ito na pag-usapan ang nangyaring engkuwentro sa kanila ni Matteo. Ayon sa aktor, nakarating sa kanya ang ginawang paghingi ng tawad ni Matteo at bukas siya isang araw na magtagpo na lang ang landas nila ng young actor at maayos kung anuman ang ‘di nila pinagkaintindihan. Dito ay inamin sa amin ni Coco na alam niya ang relasyong Matteo at Maja dahil ilang beses na ring dumalaw sa set ng Minsan Lang Kita Iibigin ang aktor at kung minsan din ay lumalabas silang grupo. Siniguro rin sa amin ni Coco na wala siyang balak ligawan si Maja, magkakaibigan silang tatlo, may respeto siya sa relasyon ng dalawa at kung anuman ang nakitang sweetness sa kanila ni Maja, ito ay dahil sa mga roles nila sa seryeng pinagtambalan. Bukas ding magkatrabaho silang tatlo, masayang ikinuwento sa amin ni Coco na may konsepto siya para sa pelikulang pagsasamahan nila kung saka-sakaling magkaroon ng plano ang ABS. Ito ay ang remake ng pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal na pinagbidahan nina Lea Salonga, Aga Muhlach at Ariel Rivera.

Lumipas ang ilang buwan, sa birthday/ thanksgiving presscon ni Coco this November, ‘di naman tinago ng aktor na hanggang ngayon ay ‘di pa sila nakakapag-usap o nagkikita man lang ni Matteo. Pero para sa kanya, binaon na niya sa limot kung anuman ang ‘di magandang nangyari. Nang tanungin naman namin tungkol dito si Matteo, ang sinagot sa amin ng young actor ay lagi lang naman siya sa set ng Happy, Yipee, Yehey na kung pagbabasehan ang mga salitang ito ng aktor ay handa siyang makipag-usap kay Coco anumang oras basta natungo ito sa set ng HYY.

Ngayon nga ay bali-balitang break na raw sina Maja at Matteo, kung saan inamin sa amin ng huli na may pinagdaraanan nga ang relasyon nila ng aktres. Nasa Canada ngayon si Maja at pagdating ng bansa ay mag-uusap silang magkasintahan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

8 thoughts on “Star Magic Brawl: Ang sapakang Coco Martin at Matteo Guidicelli dahil kay Maja Salvador

  1. Andito sila angeline at coco dito sa winnipeg katatapos lang ng concert nila and i can say kahit saan ipartner si coco at siguradong magki-click at si angeline i never thought na napakabait nya at very down to earth so lets give them a chance.bakit kasi sa pinas nagwawala ang mga fans pag itinambal sa iba ang mga idol nila bakit hindi natin tularan ang mga foreign movies hindi big deal kung kanino sila itambal.

  2. Bakit po recycled issue ang tinalakay niyong lahat na writers sa araw na ‘to? Utos ng editor maglagay ng mga fillers sa columns niyo? Hmm..

  3. shebieng pangit, maganda sana kung ikaw ang nasaksak sa movie ni maja, alimangong malansa. daig mo pa nabubulok na isda hahaha..

  4. Ikaw coco wag ka munang makipag girlfriend kasi ikasisira ng career mo yan you should focus sa iyong career,and ikaw naman maja please maging limitado ka naman pagdating kay coco kasi may bf kana you cannot be succesful sa love and career kung hindi ka marunong maghandle,love ko ang cocojam pero nasira ng dahil kay matteo na bf mo tas sasabihin break na kayo ano yun gimik? Ikaw naman matteo can you just focus kung pano ka gagaling umarte,e pano ka sisikat kung lahat ng galaw nyong magsyota eh pinagseselosan mo dahil kung ganyan ka hndi nababagay pumasok sa showbiz.

  5. ITO YUNG PINAKA WALANG KUWENTANG NEWS ITEM SA SHOWBIZ KASI IT INVOLVES THE FLOP QUEEN MAJA, “NO CAREER” MATTEO AT FOREVER CB COCO………..HAHAHAHA……………….GUMIMIK PA KAYO AT ANG RESULTA NAG PIYESTA ANG LAMOK, LANGAW AT BANGAW SA SINEHAN KUNG SAAN PALABAS ANG ALL-TIME FLOP FILM NA “THELMA” …………….MAS MAGANDA SANA KUNG NAGSAKSAKAN AT MAY NARATAY SA OSPITAL YUN PA MEDYO BELIEVABLE……….HAHAHAHAHA……….CHEAP!!!!!!!!!!!!!!

  6. Naku Matteo di ba ang Mommy mo eh namimili ng mga babae na makakarelasyon mo?? Ano kaya say nya dyan ke Maja? Pumasok-pasok ka sa showbiz pero alam mo ba kung anong pinasukan mong trabaho? Alam mo namang given na na dapat magpakilig sila sa harap ng mga fans OA ka naman sa pagiging possessive. At ikaw naman Maja alam mo namang super seloso ang BF mo hindi ka rin lumugar ng maayos gayahin mo ang BFF mo na si Kim Chiu huwag masyadong malandi. At kay Coco, well my lips are sealed.  

Leave a Reply

Your email address will not be published.