Star Circle questor Neri Naig, balik-artista

NAKAUSAP NAMIN KAHIT sandali ang manager ni Denise Laurel na si Arnold Vegafria sa ground floor ng ELJ building ng ABS-CBN last Wednesday, December 1, bago ito pumanhik sa kanyang meeting with the management.

Patuloy pa ring pinabulaanan ni Arnold ang chismis na buntis daw ngayon si Denise sa boyfriend daw nitong cager, kaya hindi raw napapanood nitong mga nagdaang episodes ng Martha Cecilia’s Kristine ang dalaga.

“Hindi ‘yon totoo. Ewan ko sa n’yo kung saan nanggaling ‘yon,” sagot ni Arnold sa amin nang tanungin namin s’ya kung totoo nga bang buntis ang alaga n’ya.

Bago kami maghiwalay ay kinumpirma naman ni Arnold na kasama pa rin si Denise sa Book 2 ng teleseryeng Kristine. “Oo. Makikipag-meeting nga ako ngayon para ro’n, eh,” pagtatapos ni Arnold.

SPEAKING OF BOOK 2 ng teleseryeng Martha Cecilia’s Kristine, balita namin ay kasama sa cast ang nagbabalik na Star Circle Quest batch 1 alumna na si Neri Naig. Ka-batch ni Neri sina Sandara Park, Hero Angeles, Melissa Ricks, Raphael Martinez at Joross Gamboa. Nakapag-taping na raw ang young actress. In all fairness, marunong umarte si Neri, hindi lang s’ya nabigyan ulit ng mga TV and movie projects kahit supporting role lang.

Kung sa bagay, matagal-tagal na ring napabalitang lumagay na umano sa tahimik si Neri at mas maganda na raw ang buhay, kaya hindi na n’ya kailangan pa raw magtrabaho kung tutuusin. Kung dati-rati ay sa ukay-ukay lang daw s’ya namimili ng kanyang mga damit, bags at iba pang mga gamit, balita namin ay simula raw nang gumanda ang buhay n’ya ay puro mamahaling brand-new designer clothes at bags na raw ang binibili ng dalaga. Pero mukhang ngayon ay medyo na-bore na yata sa buhay-mayaman si Neri at na-miss n’ya ang pag-aartista.

At sa kanyang pagbabalik showbiz, ang Backroom artists management na raw ni Tito Boy Abunda mula Star Magic ang mangangalaga ngayon sa career Neri.

So, kanino kaya kina Zanjoe Marudo, Rayver Cruz at Rafael Rosell ma-i-involve ang character ni Neri sa pinakaaabangang Book 2 ng Kristine? Abangan!

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, nagsama sa isang presscon ang dalawang bigating artista na sina Bossing Vic Sotto at Senator Bong Revilla para sa kanilang pinagsamahang pinakamalaking pelikula na yata ng taon, ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote na entry sa Metro Manila Film Festival.

Nauna lang dumating sa naturang presscon si Bossing Vic dahil galing pa sa trabaho n’ya sa Senate si Sen. Bong. But in fairness to the senator, nagmadaling makahabol ito sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato sa Quezon City.

Parehong mga blockbuster at nag-no. 1 talaga sa takilya ang mga pelikula noon ng dalawang higanteng aktor. Pero gaya nga nang nasabi noon pa man ni Sen. Bong sa amin, walang problema sa kanya ang billing ng pangalan nila ni Bossing. Okay lang daw sa kanya na mauna ang pangalan ng komedyante dahil mas nauna naman ito sa kanya sa showbiz at dahil na rin sa respeto n’ya rito. ‘Ika nga, seniority wise, Vic deserves na mauna, ayon sa simpatikong senador.

Pinuri rin ni Vic si Sen. Bong dahil sa pagiging hands-on o tutok nito sa post production. At dahil minsan lang nga mangyayari ang kanilang pagsasama sa isang malaking pelikulang gaya nito, hangad ng dalawa ang suporta ng kani-kanilang mga tagahanga.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

8 thoughts on “Star Circle questor Neri Naig, balik-artista

  1. °δ°```te,si NERI pang adult na ang beauty!!palagay ko sexy parin sya...”good luck” =^O^=v

  2. … doesn’t matter if denise is pregnant, so what…..
    as long as may babalikan siyang work as an artist…

  3. si neri yung star circle questor na sinasabi ng mga juror na sa bb.pilipinas dapat sumali,dahil sa height at beauty niya,i miss this girl,i thnk shes from baguio

  4. thats good to hear..i mean babalik pa dn pla c denise laurel we miss her so much as in..cant wait to see her again on kristine kc magaling tlga acting nya with rafael rosell..ngaun lng aq naging fan..sa kanila lng 2.extreme chem tlga.wla pa tatALO ngaun sna more show for them and movie this valentine..yey,,im sure dme manunuod that :)

  5. -….who’s neri, grabe, dami ko di kilalang artists…..

    -…..mukhang maganda ung movie nina Vic and Bong…