Star Cinema, dinedma ang SM Malls!

PALABAS NA PALA sa buong bansa ang pinakabagong handog ng Star Cinema na And I Love You So na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsay. Pero marami ang nagulantang nang malaman nilang hindi pala ipalalabas ang nasabing pelikula sa mga sinehan ng SM. Aba, pati nga ako medyo nagulat din dahil marami-rami rin naman ang mga sinehan na pagmamay-ari ng SM. Kadalasan pa nga, eh, sa SM Megamall ginaganap ang mga premiere night ng Star Cinema movies. Sa halip, eh, sa Trinoma Mall ginanap ang premiere night ng And I Love You So.

Aba, may dedmahang nagaganap!

Hindi naman malinaw kung bakit nag-desisyon ang Star Cinema na hindi ipalabas ang And I Love You So sa SM Cinemas. Katulad nga nang nasabi ko, marami ang SM Cinemas sa buong Pilipinas. Kaya naman medyo worried ako na baka makaapekto ito nang lubusan sa kikitain ng pelikula. Hello, Luzon, Visayas, at mapa-Mindanao man, siguradong may SM d’yan at talaga namang puntahan ito ng maraming tao.

Ang problema sa hatian at pagkolekta nang mga kita diumano ang dahilan kung bakit todo-dedma ang Star Cinema sa SM. Wala namang makapagkumpirma kung totoo ang chikang natanggap ko dahil wala namang opisyal na pahayag ang Star Cinema ukol sa isyung ito. Ang fans nga eh, dismayado dahil sila ang naiipit sa gusot sa pagitan ng dalawang kumpanya. Katunayan eh, tinawag ng fans na ‘unfair’ ang Star Cinema dahil sa ginawa nito sa pelikula ni Bea, Sam at Derek.

Pero, bilib ako sa mga artistang kasama sa And I Love You So. Alam na ninyo kung sinu-sino ang sisisihin kung hindi kumita ang pelikulang ito.

Sa Star Cinema management, mukhang kailangan ninyong magpaliwanag sa napakaraming fans nina Bea, Sam at Derek.

W I a ”p Man, at Pacquiao: The Movie.

Naging miyembro rin si Echo ng ‘The Hunks,’ isang all-male sing-and-dance group ng Star Circle na kinabibilangan nina Piolo Pascual, Carlos Agassi, Bernard Palanca, at Diether Ocampo.

Makulay rin ang lovelife ni Echo, kabilang sina Angelika dela Cruz, Cindy Kurleto, Kristine Hermosa, at Heart Evangelista sa mga na-link sa kanya. Si Heart ang pinakahuli niyang girlfriend. Marami ang nag-akala na mauuwi ang kanilang relasyon sa altar, pero naghiwalay rin ang dalawa.

Kung hindi abala sa showbiz, isa sa paboritong sports ni Echo ay ang surfing. Nagkaroon din ng banda si Echo na tinawag niyang Jeans. Sa kasalukuyan, meron siyang self-titled solo album. At muli silang magtatambal ni Kristine Hermosa sa baong teleserye ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw.

by Jeric Pena

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.