Star Cinema, bubulagain ang 2014 sa Bride For Rent

Kim-Chiu-Xian-LImMULA SA tagumpay nito sa mga kritiko at takilya sa katatapos lamang na Metro Mnaila Film Festival, patuloy ang Star Cinema sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo nito sa pagbubukas ng 2014. Unang pasabog ng Star Cinema ngayong bagong taon ang Bride For Rent – isang romantic comedy na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Ang Bride For Rent ay idinirek ni Mae Czarina Cruz na ang pinakahuling pelikula ay ang smash hit ng 2013 na Sh’es The One. Minamarkahan din nito ang pinakahihintay na muling pagsasama nina Kim at Xian sa pinilakang-yabing, sapagka’t itinuturing ng marami na isa sa pinakamaiinit na blockbuster loveteam ngayon ang kanilang tambalan.

Ang Bride For Rent ay isang nakaaaliw at nakatutuwang love story tungkol kina Rocco (Lim) at Rocky (Chiu) na parehong desperadong nangangailangan ng pera. Kailangang magpakasal si Rocco upang makuha niya ang kanyang malaking mana, habang si Rocky naman ay kailangan din ng pera pambayad sa kanyang renta, sa takot na mawalan ng tirahan dahil malapit na siyang mapalayas kasama ang kanyang pamilya.

Makikipagsabwatan si Rocco kay Rocky na papayag na magpanggap na asawa ni Rocco kapalit ang malaking “talent fee”. Matapos ito, isang katutak na nakalolokang mga problema ang haharapin nina Rocco at Rocky. Uubra kaya ang kanilang plano o magiging biktima sila ng kanilang panloloko dahil baka magkaroon talaga sila ng feelings sa isa’t isa?

Ang Bride For Rent ay ang pinakaunang film collaboration sa pagitan nina Kim at Xian matapos ang smash hit nilang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? noong 2013. May espesyal na pagganap din ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales sa pelikulang ito at ito rin ang kanyang pagbabalik sa big screen. Maaaring abangan abangan ng mga fil buff at mga tagahanga ng Kim-Xian loveteam ang isang ‘di malilimutan at feel-good na cinematic experience sa Bride For Rent na napakagandang paran upang umpisahan at buksan ang bagong taon.

Ipalalabas ang Bride For Rent sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Enero 15.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.