Standard Plates, Target Maipamahagi sa Hulyo

TULOY ANG planong standardization ng license plates ng Department of Transportation and Communications (DOTC) nga-yong taon.

Ayon kay DOTC Secretary Joseph Emilio “Jun” Abaya, makatutulong ang pagkakaroon ng iisang disenyo ng plaka sa pagpapatibay ng law enforcement.

Sakaling maisalang sa bidding hanggang second quarter ng 2013, target ng kalihim na maipamahagi na ang bagong plaka sa Hulyo.

“Babaguhin na natin ‘yung system. Ii-standardize na po natin ‘yung license plate natin dahil currently there are eight authorized designs… objective po natin dito ay gumawa ng one standard design para sa law enforcement ay iisa na lang po ang titignan nilang disenyo ng plaka.”

“Sinabmit na po ‘yung TOR o terms of reference ng LTO (Land Transportation Office (LTO), isa-submit na rin po rito sa DOTC. Within end of first quarter and start of second quarter, mai-bid out po ‘yan and hopefully we could distribute to our people come July of this year.”

Samantala, binigyang-diin din ni Abaya na tanging DOTC na lamang ang magpapa-bid sa standard plates upang maiwasan ang pagkaantala ng supply ng plaka.

Kasalukuyang kasama ang LTO sa nagpa-bid sa magkahiwalay na kontrata ng supply and materials at embossing ng plaka. Isa ito sa nakikitang problema ng DOTC kaya naantala ang libu-libong plaka ng mga rehistradong sasakyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.