SSS, sinugod ng mga manggagawa; De Quiros, pinagbibitiw

SINUGOD NG grupo ng mga manggagawa ang tanggapan ng Social Security System (SSS) sa Quezon City para iprotesta ang mahigit P10 milyong bonus ng mga opisyal.

Sinabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na dapat isauli ng Board of Directors ang bonus na kinuha sa kontribusyon ng mga kasapi.

Isa anilang heinous crime ang ginawa ng SSS.

Samantala, ipinanawagan din ng mga manggagawa ang pagbibitiw ni SSS President and chief executive officer Emilio de Quiros.

Matatandaan na una nang iginiit ng SSS na moral at legal ang pamamahagi ng milyun-mil-yong bonus sa mga opisyal nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.