SSS: P10-M bonus ng mga board member, moral at legal

SINABI NG pamunuan ng Social Security System (SSS) na moral at legal ang pamamahagi ng P10 mil-yong bonus sa mga kasapi ng kanilang Board of Directors.

Inihayag ni SSS President and chief executive officer Emilio de Quiros na hindi lamang mga boss ang tumanggap ng bonus kundi maging ang ilang empleyado.

Ang nasabing pamamahagi aniya nito ay hindi pagtatapon ng pera bagkus ay pagganyak sa mga empleyado na pagbutihin ang trabaho.

Tulad anya ng ibang pribado at pampublikong ahensya, may performance bonus sa SSS na ibinabase sa kalidad ng trabaho at itinatadhana ng Governance Commission on Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Napag-alaman na umabot sa milyon ang tinanggap ng bawat board member dahil u-maabot sa P40,000 ang tinatanggap nito sa bawat attendance sa board meeting habang P20,000 sa kada upo sa committee meeting, na dalawang beses kada buwan.

Sa kabila ng mga naturang reklamo, nanindigan si De Quiros na ipagpapatuloy ang pagbibigay ng performance-based incentive.

Ang P10 milyong ito o mahigit P1 milyon ng bawat kasapi ng Board of Directors ay para lamang sa 2012 at mayroon pang nakalaan para sa kasalukuyang taon.

Samantala, kinalampag ng mga militante ang SSS bilang pagkondena sa milyun-milyong bonus.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.