SSS officials dapat ang magbalik ng bonus

DUMISTANSYA NA ang Palasyo sa panawagan ng ilang sektor sa mga opisyal ng Social Security System (SSS) na isauli ng mga ito ang natanggap na P1-mil-yong performance bonus.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bagama’t aprubado na ang nasabing incentives, maari rin aniyang hindi pa nabibigay ang mga ito.

Inihayag pa ng opisyal na nasa personal na desisyon na rin umano ng mga SSS executives kung tatalima sa panawagan ng mga kasapi.

“Kung matuloy man iyan, kung magdesisyon sila, ay nasa sa kanila na. We cannot answer for them kung ano ‘yung kanilang magiging tugon sa panawagan na ‘yan,” ayon pa kay Valte.

Una rito, ipinaliwanag na rin ng Governance Commission for GOCCs (GCG) na walang irigular sa P1-million bonus na natanggap ng bawat board members ng state-run Social Security System (SSS).

Sinabi ni GCG spokesperson Paolo Salvosa na naaayon umano sa batas at kaukulang kumpensasyon sa private sector ang nasabing performance-based incentive.

Una nang umalma ang mga kasapi ng SSS sa ulat na maliban sa P40,000 per diem allowance sa kada board meeting, tumanggap pa ng karagdagang bonus ang mga opisyal ng ahensiya.

Samantala, sa panig ni SSS vice president for public affairs Susie Bugante, nilinaw ng opisyal na maging ang kanilang nasa rank-and-files ay may tumanggap din umano bonuses, kung saan umaabot umano sa kabuuang P276 milyon ang kanilang naipamigay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.