SSS, maba-bankrupt ‘pag ‘di nagpatupad ng contribution hike

MULING NANINDIGAN ang Social Security System (SSS) na kailangan nang dagdagan ang singil sa kontribusyon sa mga kasapi nito.

Nagbabala ni SSS President Emilio De Quiros na magiging bankrupt ang nasabing ahensiya pagdating ng 2039 kapag hindi itinaas ang singil sa kontribusyon.

Base sa pagtataya ni De Quiros, aabot sa P3.7 trilyon ang benepisyong kailangang bayaran ng SSS.

Malayo aniya ito sa kasalukuyang pondo na mayroon ang SSS na kaya lang tugunan ang 70 porsyento ng mga benepisyong babayaran.

Sinabi ni De Quiros na isa sa mga maaaring gawin ng ahnesiya  ay bawasan ang benepisyong ibibigay nito.

Isa pa aniya sa maaaring gawin ay humingi ng pondo mula sa pambansang budget.

Binabatikos ang SSS sa pagpapatupad nito ng dagdag-singil sa kontribusyon gayong natuklasan na noong nakalipas na taon, tumanggap ng milyong halaga ng bonus ang mga board member nito.

Sa kabilang dako, may nakasampa nang petisyon sa Supreme Court (SC) na kumukwestyon sa nasabing contribution hike.

Iginiit din ni De Quiros na naging mahusay ang ahensiya sa pag-i-invest ng pera.

Ipinagmalaki pa nito na tama ang naging desisyon noon ng SSS na huwag mag-invest sa US housing market kaya hindi ito naapektuhan ng global financial crisis noong 2008.

Posible rin na mag-invest na ngayon sa abroad ang ahensiya, dagdag pa ni De Quiros.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.