Squatters, Sinisi ng DPWH sa Pagbaha

SINISISI NG Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga informal settler o mga squatters kaya’t hindi nakadadaloy ang tubig na nagiging sanhi ng pagbabaha sa Metro Manila.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, hindi makadaloy ang mga tubig patungong Manila Bay dahil nahaharangan ito ng mga squatters.

Maaari lamang ma-ibsan ang pagbaha kung babaguhin at lalakihan ang mga drainage pipes sa Kalakhang Maynila.

Aminado rin si Singson na hindi naisagawa ng gobyerno ang relokasyon ng mga squatters sa MM dahil na rin sa nakaraang eleksyon.

Samantala, plano ng DPWH na mabigyan ng relokasyon ang may 20,000 squatters na malapit sa Manila Bay, Pasig at Marikina Rivers at tina-target ng gobyerno na matapos ang relokasyon ng Hunyo 2016.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.