Sputnik, Kulong sa Panghoholdap

KULONG ANG MIYEMBRO ng “Sputnik Gang” matapos pasukin at holdapin ang ginang sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Ruel Rosi, 28, ng Women’s Club St., Hulong Duhat ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:45 ng umaga, pinasok ng suspek ang bahay ni Iris Dingco sa Burgos St., Concepcion ng lungsod.

Tinutukan ng patalim ng suspek ang gising nang biktima at kinuha ang bag na may lamang P500 cash at galaxy cellphone na nagkakahalaga ng P20,000.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis.

Sa isinagawang follow-up operation, nadakip ang suspek subalit hindi na nabawi ang mga nakulilmbat sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.