Sputnik, Inistapa na, Niratrat pa

PATAY ANG isang  kasapi ng ‘Sputnik Gang’ nang paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin  makaraang balikan nito ang hindi pa nakukuhang Shabu na kanyang nabayaran  sa Tondo, Maynila kamakailan.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center  ang biktimang si Benjamin delos Santos, ng Lacson St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Narekober din ang isang kitchen knife sa katawan ng biktima, na ginamit din sa pagpatay sa kanya.

Lumalabas sa pagsisiyasat, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may Osmeña St., Tondo, Maynila.

Sa naging salaysay ng pedicab driver na si Joseph Ching, 20, sakay niya ang biktima at isang alyas Always nang makarinig siya ng putok at nakita ang duguang pasahero.

Base sa impormasyon, ang biktima ay na-estafa dahil matapos magbayad ng halagang P50 ay hindi naman nakuha ang binibi-ling tingi ng Shabu.

Binalikan umano ni dDlos Santos ang nagtakbo ng kanyang bayad, kasama si Always subalit pagsapit sa lugar ay may bumaril dito.

Samantala, tinutugis na si alyas Always para magbigay-linaw sa insidente at matukoy ang salarin sa pagpatay sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.