Sports Fest, Para sa Navotas Inmates

ISANG SPORTS fest ang inihahanda ngayon ng Bureau of Jail and Managament Penology (BJMP) Navotas para sa mga inmates upang magkaroon ng kaunting kasiyahan  at mapaganda ang samahan sa loob ng piitan.

Ayon kay Mr. Orlando C. Marquez, BJMP Coordinator, ang “Tagisan sa Tag-init” ay gaganapin sa Mayo 1. Magtatagisan ng galing ang mga kalahok sa chess, scrabble, basketball at table tennis.

“Ito ay isasagawa upang mahikayat sa magagandang libangan at malayo sa bisyong nakasanayan ng mga inmates sa labas ng selda,” ani pa ni Marquez.

Habang tuluy-tuloy naman ang Alternative Learning System (ALS) Program at Behind the Bars Project ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas para sa mga inmate.

Nitong Enero, sinimulan muli ang pagtuturo sa mga inmate na hindi pa nakapagtatapos ng elementarya at hayskul upang ihanda sila sa ALS Examination sa Disyembre.

Noong nakaraang taon, 5% ang pumasa sa elementarya habang 75% naman ang pumasa sa hayskul at isa na rito si Michael C. Roque, 22 taong gulang, isa sa mga nagtapos at pumasa sa ALS Program, na higit na nagpapasalamat sa nasabing programa.

Bukod dito, patuloy rin ang programang pangkabuhayan sa mga inmate na pinasimulan ng Navotaas Hanapbuhay Center sa ilalim ng direktiba ni Mayor John Rey Tiangco.

“Ang programang ito at naglalayong bigyan din ng karagdagang kaalaman o skills at kabuhayan ang ating mga inmates upang makatulong sila sa kanilang mga pamilya habang at maging paglabas nila sa piitan,” ani ng punong lungsod.

(MARY H. SAPICO)

loading...

One thought on “Sports Fest, Para sa Navotas Inmates

  1. Pingback: Sports Fest, Para sa Navotas Inmates - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.