Sports complex ng PNP headquarters, nasunog; P1-M danyos

CAMP CRAME – AABOT sa P1 milyon ang halaga ng naabo nang masunog ang sports complex sa loob ng Philippine National Police (PNP) Headquarters kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Quezon City Fire Department sa pangunguna ni Fire Marshall Bobby Barruelo, nagsimula ang sunog dakong alas-6:15 ng umaga at naapula ang apoy alas-7:10 ng umaga.

Ayon kay Baruelo, faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog na nagsimula sa isang aircon na nasa left wing ng gymnasium malapit sa tennis court area.

“Malamang electrical ‘yan kasi sabi nila sa may aircon. ‘Yun ang mga initial na resulta ng investigation,” ayon pa kay Baruelo.

Nabatid na umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog habang tatlong firetrucks ang nagtulung-tulong para hindi na kumalat ang apoy, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan bunsod ng epekto ng bagyo.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.