Sports Car, Nakipagsalpukan sa Kuliglig, 2 Sugatan

SUGATAN ANG dalawang katao matapos magsalpukan ang isang kuliglig at sports car na Porsche sa kahabahaan ng Roxas Boulevard sakop ng Pasay City.

Ayon kay Antonio Ribalde ng Pasay City traffic bureau, nagulat na lamang siya nang makarinig ng malakas na kalabog at nang tignan ay nakabulagta na ang dalawang lalaki.

Isang US national ang nagmamaneho ng mamahaling sports car kung saan sa lakas ng pagkakabangga ay wasak ang kaliwang bahagi ng kotse at pumutok ang dalawang gulong nito.

Samantala, nilalapatan na ng lunas sa pagamutan ang dalawang nasugatan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.