Spent Holy Week together in Greece: DJ Mo Twister, still denies romance with Rhian Ramos

BUKING NA BUKING si Mo Twister na talagang magkasama nga sila ni Rhian Ramos noong Holy Week. May pinost kasi itong photo kung saan nakatalikod siya habang kinukunan ang sunset sa Santorini sa Greece. Siyempre, the picture would not have been taken by him but by somebody else, ‘di ba? And that somebody else is Rhian Ramos.

Bakit namin ito nasabi? Well, sa kanyang message kasi sa Twitter ay pinasalamatan niya si Rhian sa pagkuha ng picture.

“One of my fave pics from Santorini, the sunset. Thanks @whianwamos for deciding to take the shot from our car,” message ni Mo sa kanyang djmotwister account noong April 27.

Ito pa ang isang entry ni Mo sa Twitter, “sometimes its not the food that’s great, but the company”, sabay post ng photo kung saan kasama niya si Rhian.

Until now ay hindi pa u-maamin sina Mo at Rhian na magdyowa sila. Hindi pa yata sila ready o maaaring may pumipigil lang sa kanila na aminin ang kanilang relasyon.

Why will Rhian chose to be with him noong Mahal na Araw kung wala silang relasyon? Doesn’t make sense, ‘di ba?

Tweet naman ni Mo last April 28, “there arent many others more sad than I am tonight. Perhaps I should reminisce of happier moments” na sinabayan niya ng pag-post ng photo nila ni Rhian na magkasama at nakangiti. The photo was taken during their trip in Greece.

Ito ang tweet ni Mo noong April 28 pa rin na medyo na-curious kami, “I was supposed to have a really BIG day yesterday and instead it was purposely ruined, was looking forward to it for months”. Ano kaya ang tinutukoy niya? Who ruined what?

When Uma Khouny queried kung marriage proposal ang ibig niyang sabihin, isang “no” ang naging sagot ni Mo.

“But perhaps equally prepared for. Wha-tever,” sabi pa ng TV and radio host.

A certain tabbattinna tweeted mo na nakita niya si Rhian kasama ang isang guy named Paolo. Nag-reply naman kaagad si Mo at sinabing hindi siya bothered.

“Don’t be sorry, Rhian isn’t my girlfriend so if she wants to go to Shang with Paolo, that’s totally fine. :)” sabi ni Mo.

Gano’n? Oh, well, tell it to the marines!

Siya nga pala, in-announce ni Ruffa Gutierrez last Sunday sa Paparazzi na magsisimula nang magsulat si Mo sa US Men’s Health magazine where he will give advice on relationship and sex problems.

AYAW PATULAN NI Aiko Melendez ang isyung siya ang may pakana sa pagpapakalat ng tsismis na bading ang kanyang nakarelasyong si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

“Alam mo sa akin, sa punto kong ito, kung ano man ‘yang lumalabas na sira-sira, hindi ko personality kasi una sa lahat, kung maninira ako ng kapwa ko, bakit nga ako tahimik, ‘di ba? Hindi nga ako nagsasalita eh, so it doesn’t make sense na ‘yun ang lumalabas,” esplika ng comebacking actress.

Sa Paparazzi noong Sunday ay naglabas si Cristy Fermin ng printout ng palitan diumano ng mensahe ni Aiko at ng isang hindi pinangalanang bading kung saan binalangkas diumano ang tsismis na bading si Mayor Patrick.

Ayaw nang patulan ni Aiko ang issue. “Ayoko na sigurong mag-comment, alam mo, mabuti na sigurong manatili akong

tahimik. From the very start naman I’ve kept my silence and I think sa punto ng buhay kong ito, I like to keep it that way hanggang hindi naman talaga kailangan magsalita,” say ni Aiko.

BLIND ITEM: DA who itong dating male sexy star na ang hilig noong hindi pa siya naglaladlad ay ang mamik-ap ng gay prostitutes?

Gustung-gusto raw na makadyug ng sexy star na ito ang mga baklang mukhang babae at nakadamit-babae. Ang style nito, dahan-dahan niyang susundan ang ba-ding na kanyang nataypan at magtatanong ng direksyon. Later on, papapasukin niya sa kanyang kotse ang baklita at doon na mangyayari ang milagro.

Sinex siya? Naku, verde na rin ang kanyang dugo ngayon!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

15 thoughts on “Spent Holy Week together in Greece: DJ Mo Twister, still denies romance with Rhian Ramos

  1. See! D ba tama ako? After 4 days ng pag comment ko may balita nang break na sila. Eh d ba tsaka sila aamin pag break na? Pa deny deny pa kasi eh d naman maitatago yan.

  2. Rhian, maganda ka at makakakuha ka pa ng higit kay Mo na hindi lang syongit at pandakake, mayabang pa.

  3. ka malas namang babae kung mag kakagayun,e daig pa ni mo ang bading na walang breeding kung makapanlait ng sinumang artista,sobrang palingharap pa.i hope e hindi totoo yan kce rhian deserve a better guy and that is not MO!!!

  4. Maganda talaga si Rhian Ramos, at kung tototo man na sila na ni DJ Mo, I wish them well maski hindi ko gusto itong DJ Mo na ito. Sana he will treat Rhian with respect not just as a girlfriend but as a person. Sana kung mag-away man sila, hindi sana masapawan ni DJ sa panalilita at pagsagot si Rhian kasi alam naman natin na DJ’s mouth is magrabe pa sa tunay na babae.

  5. @Eat,drink and DIE, super agree ako sa yo to the max! Gusto lang mapag usapan nitong dalawa! Kaya gimmick is the choice of word. How Cheap!!!!!

  6. wow ang ganda ni rhian denise howell ramos fil british ang bagay sa kanya propesyonal gaya ng doctor ,attorney,businessman,enginner,kapitan ng barko,pilot, d gaya ni moooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo showbiz ngit chaka chos

Leave a Reply

Your email address will not be published.