Speech sa SONA, Inihahanda na ng Palasyo

INIHAHANDA NA ng Palasyo ang speech ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22, kung saan inaasahang iisa-isahin niya ang mga nagawa sa nakaraang taon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na tinitipon na ng tanggapan ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga accomplisments ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan para mair-eport sa SONA.

Ire-report din umano ng Pangulo ang mga natupad niyang pangako sa nakaraang SONA at ang mga hindi pa natutupad.

Nakipag-usap na rin umano ang Pangulo sa i-lang kasapi ng Gabinete at sa kanyang mga speechwriter.

Sinabi rin ni Lacierda na may nagawa nang dalawang outline revisions bagama’t wala pa ang mismong talumpati.

Samantala, inihayag pa ni Lacierda na magkakaroon pa ng daily briefings sa pagitan ng Pangulo ang kanyang speechwriters, Cabinet secretaries at PMS para sa darating na SONA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.