Special Treatment kay Napoles, Inamin ni Roxas

INAMIN NI DILG Secretary Mar Roxas na mayroong “special treatment” na ibinibigay ang pamahalaan sa isa sa tinagurang reyna ng P10 bilyong pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles na nakapiit sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna at walang “vip treatment.”

Nilinaw ng kalihim na magkaiba ang special treatment kung ikukumpara sa “VIP”.

Depensa ni Roxas, ang special treatment kay Napoles ay bunsod na kailangang espesyal na atensiyon ang iukol dito dahil sa malaking papel nito upang matukoy kung sinu-sino ang mga sangkot na personalidad sa multi-bilyong fund scam.

Samantala, paliwanag pa ng kalihim dahil sa interes ng publiko sa naturang isyu kung kaya’t kailangan din na bigyan ng gobyerno ng espesyal na interes ang kaso ni Napoles na walang VIP treatment.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.