Special Report
Nang dumating sa Pagsanjan
ER, baro’t salawal lang ang dala

AGAD PINABULAANAN ng mga nakapanood sa Harapan ng Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN ang sinabi ni Gov. ER Ejercito na siya ay mayaman kaya ‘di na niya kailangang ipakita pa ang kanyang SALN. Sa dalawang magkahiwalay na panayam, sinabi na si “ER ay baro at salawal lamang ang dala nang siya ay dumating ng Laguna”.

Ayon sa dating Director ng DPWH for Region 4-A na si Romy Panganiban, “Ako ang una niyang nilapitan para maka-kanditato ‘yan ng Mayor ng Pagsanjan. Pinakiusapan niya akong ilapit siya kay Pres. Erap dahil ayaw na ayaw ‘yang pa-kandidatuhin ni Erap dahil alam niyang iba ang kanyang ugali. Sa isang malilit na kuwarto sa may garahe ko lang ‘yan nakikitira. Tapos ngayon, napa-kataas niyang magsalita.”

Humingi sa akin ng isang milyon ‘yan para sa pagkandidato ng Mayor ng Pagsanjan. Pinagbigyan ko, dahil sa paggalang ko sa dating pangulo at dahil sa kabaitan ng mga anak nito na sina Jinggoy at JV. Tapos humingi ‘yan ng apat na raang libo, pero binigyan ko ng kalahating milyon para ipambayad niya sa watchers. Kung ano ang kinapino ng ugali ng mag-aama ni Erap ay siya namang niyabang at kinabalasubas ni ER na pamangkin lamang. Dahil sa kayabangan at sobrang bilib sa sarili kung bakit walang utang na loob at ‘di marunong lumingon si ER sa kanyang pinanggalingan. Pati tuloy kandidatura ni JV ay baka maapektuhan,” salaysay ni Panganiban na kilalang supporter ni Ejercito.

Ang sinasabing siya ay nagmana kay Erap ng mga lupain ay naglalagay sa napakabait na dating pangulo sa kahihiyan.  Ginagamit niya ang Pamil-ya Ejercito para maitago ang kanyang ‘di maipaliwanag na biglang pagyaman. Alam ko ang mga ari-arian ni Erap sa Laguna at walang pinamana sa kanya. Papaano siya pamamanahan samantalang pamangkin lang siya at napakaraming anak ni Erap? Pa’no niyang sasabi-hing pinamanahan na siya gayong buhay pa ang kanyang ina?  Papaanong sasabihin niyang 30 taon siyang artista kaya marami siyang pera ga-yong kailan man ‘di siya naging bida?”   Patanong na tinuran ni Dir. Panganiban. “Hindi naman sa kung ano pa man, si ER hindi nagmukhang tao kundi gawa ko.  Kaya ang hiling ko lang ay ‘wag na niyang idamay ang Ejercito sa kanyang kahihiyan dahil mabubuting tao sina Erap, Jinggoy at JV.

Ayon naman sa negosyanteng si Reli Yan ng Pagsanjan, “Kahit na ako ay may karamdaman ngayon, sinasabi kong si Gov. ER sa aking opinyon ay tuso at ganid. Napakarami niyang pinahirapang tao at ginipit na mga negosyante. Wala siyang kinikilalang utang na loob dahil sa kanyang kayabangan.” Si Yan ay ininterbyu sa St. Luke’s Hospital at ‘di napigilan sa kabila ng karamdaman na magsiwalat ng nalalaman niya kay Ejercito.

“Kung totoong wala siyang tinatago, bakit hindi na lamang niya ilabas at ipaliwanag ang daan-daang milyong laman ng kanyang SALN? Hindi ako naniniwalang siya ay anak-mayaman na at maraming kinita bago pa magpunta ng Laguna. Ako ang utangan niyan nang siya ay unang dumapo sa Pagsanjan. Baro at salawal lamang ang dala niya. Hindi naman lehitimong taga-Laguna ‘yan. Hindi siya marunong gumalang sa mga matatanda at sa maliliit na mamamayan. Bengador kaya marami ang natatakot, pero alam ko kung papaano namumuhi sa kanya ang mga nakakausap kong mga taga-Kapitolyo,” sabi ni Mr. Yan na kasalukuyang dina-dialysis.

Ang nasabing debate ay nagbunga ng negatibong reaksyon sa mga mamamayan ng Laguna dahil sa sinabi ni Ejercito na siya raw ay anak-mayaman, at ang angkan ng Ejercito ay mayayaman at maraming lupain at HINDI HAMPASLUPA. Ayon sa mga nakapanood, hindi nila malunok ang pag-uulit-ulit ni Ejercito ng salitang hampaslupa na parang idinidiin sa kanila na kapag ang isang tao ay ‘di mayaman at walang mamanahin ay hampaslupa na ito.

Sa ginawang pagsasaliksik ng Pinoy Parazzi, lumalabas ang ginastos sa pag-produce ng pelikulang Asiong Salonga ay P80-M at kumita lamang sa takilya ng P50-M, habang ang El Presidente ay ginastusan ng tinatayang P110-M na kumita lamang sa takilya nang mas mababa pa sa P40-M, ayon sa MMDA.

Ayon sa Hampaslupa Movement, malinaw na si ER ay nanlilinlang sa paggamit ng pagiging artista niya kaya siya yumaman. Ang tanong nila, saan nagmula ang ginastos para isapelikula ang kuwento ni Asiong Salonga at Emilio Aguinaldo? Kailangan niyang magpaliwanag. Ilabas niya ang SALN. Hindi sapat na akusahan niya ang mahihirap at walang mamanahin na hampaslupa para lamang patunayan na siya ay mayaman at makapangyarihan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

25 thoughts on “Special Report
Nang dumating sa Pagsanjan
ER, baro’t salawal lang ang dala

  1. Bawat partido sa Laguna Ma ER o Ma Egay, siraan ng siraan, sabihin man nating may ilang katotohanan ang mga batuhan ng baho ng bawat kampo, opo may halaga din ang kalinisan sa paglilingkod bayan, pero sa isang ordinanryong mamamayan ang mahalaga ay yung kakainin nila at mga nakikitang higit na magandang nagagawang proyekto kaysa sa mga dating nakaposisyon, panahon ng Eleksyon, tama na ang mga utak talangka, kung matibay ang inyong ibidensye bakit hindi ninyo dalin ito sa tamang lugar, di ihabla niyo ng plumder, at pagnapatunayan ng korte, tsaka ka magsalita, Sino ba yang dalawang nagsalitang yan ng Pagsanjan, ako poy ordinaryo at lihitimo ding taga pagsanjan, palagay ko pag nakatulong ka na wag mo nang ipangalandakan, o kung minsan nagmamaingay ang isang tao dahil hindi nabigyan ng pabor ng nakaposisyon.

  2. bakit lahat ng government vehicles ng Laguna may pagmumukha ng magasawang er at maita, pera ba nila ang pinambili ng mga yun? kapalllllllll!!!

    • Sobrang kapal, ginawang hanapbuhay ng mag-asawang yan ang pulitika…nag aambisyong maging gobernador din kasi ung asawa…pangarap maging senador ni er at asawa ang hahalili sa kanya.Mga salaula at hindi na marunong mahiya…MGA MATAPOBRE AT MAPAGSAMANTALA. GRABE ANG GINAWA SA LAGUNA…NGAYON LANG SA HISTORY NG LAGUNA ANG HALOS MABANKCRUPT…GUSTO NA NAMANG MAKAUTANG KASI MAY 20PERCENT SILA. SANA MADIS APPROVE LAHAT….MAGIGING KAWAWA MASYADO ANG TAONG BAYAN PAG NAHALAL ANG MGA TAONG YAN.

      • Sa Pagsanjan bago ka maka pangontrata o gumawa ng project e kailangan kang mag bigay ng 20% kay Mayor ER. Nauna na syang kumita kesa sa mga nag hahanap buhay. Grabe ang kapal ng taong yan. Biglang yaman at biglang yabang.

  3. Desperado na ang kampanyang ginagawa ni ER dahil buking na buking na sya ng mga taga Laguna. ..ang akala nya madaling utuin ang mga taga rito sa Lagyna. Sorry hindi kailangang maging masyadong matalino upang makita ang tunay na kulay mo…Sa isang harapan lang at sa mga kuentong hindi naman tsismis dahil may mga prueba kitang kita na ang tunay nyang Pagkatao….Galit talaga ang mga anak ni Erap sa kanya dahil may sayad sya at alam nila na MAGKAKALAT lang si ER ng LAGIM…madadamay ang pangalan nila….ang lakas ng loob na sabihing ang yaman nya ay galing sa Mana at pagiging artista.,..LIES, LIES,LIES.SA SARILING BIBIG SYA NAHUHULI.!!!! KITANG KITA ANG PAGIGING BOBO NYA SA KANYANG MGA ARGUMENTO.. Yung mga awards ay hindi basehan ng kanyang mga nagawa na masyado namang mga superficial. Walang malinaw na direction at hindi naman magiging sustainable…ang hilig nyang maglabel ng mga programang dati pa naman kagaya ng orange card…dati na yan at talaga namang ibinibigay sa mga mamayan yan. Panloloko ang ilabel nya ito na akala mo galing sa kanya…illegal campaign na maliwanag. ang galing nyang mag mislead ng taong bayan….ALAM NG LAHAT NA WALA SYANG PAKUNDANGAN KUNG MAGPAHINTAY SA TAO NG 6 HANGGANG 10 ORAS MINSAN MAHIGIT PA…PATI FLAG CEREMONY ALAS 2 NG HAPON. ANO PANG MAGAGAWA NG MGA KAWANI KUNDI ANG MAGHINTAY NA LANG BA? PAANO TATAKBO NG MAS EPISYENTE ANG CAPITOLYO NA DAPAT AY NAGSISILBI SA MAMAMAYAN KUNG WALA ITONG GAGAWIN KUNDI ANG MAGSAYANG NG ORAS NG IBA? MAGISING ANG LAGUNA SANA SA KATOTOHANANG NAGKAMALI SILA AT NALOKO NG ISANG ARTISTA AT CON ARTIST NA SI ER EJERCITO. NAPAKALAKING DAGOK SA PROBINSYA ANG NANGYARI KAYA MAGISING NA PO TAYONG LAHAT AT MANGAMPANYA TAYO NG LABIS UPANG DI NA MAKABALIK ITO SA LALAWIGAN….IT WILL BE A SHAME TO THE WHOLE WORLD SA GANYANG KLASENG GOBERNADOR. PAGTATAWANAN TAYONG LAHAT!!!!!!

  4. Naniniwala ako sa artikulong. yan…Walang utang na loob kahit kanino daw yang si er at yan ay parati nyang sinasambit sambit….isa kami sa naging supplier nya at marami pang iba na hindi nya binayaran, kung bayaran man nya yon ay galing sa Pagsanjan Municipality dahil yon ang nakasaad sa cheke, grabe sya magpatalbog ng tseke….walan na kaming madescribe sa kanya kundi balasubas sya, ganid, mayabang at bastos. kawawa ang Laguna sa pagkasalaula nya. Wala syang karespeto respeto kapwa. Pinaghihintay nya ang mga tao dahil ang sabi nya ang mga tao daw na “kumakalam” ang sikmura ay maghihintay. Sa mga taong nakasama nya at naging malapit sa kanya , ang katagang yon ang madalas nilang marinig tuwing pinaaalalahan sya ng pagiging late sa mga appointments nya. Sana maibistigahang mabuti ang mga suppliers na hiningan nya ng milyon milyong piso para mabigyan ng kontrata, isinangla ang mga bahay upang sa bandang huli ay wala naman syang kontratang maibigay dahil naibigay na pala sa iba. SWINDLER na maliwanag at puede nating iharap sa LALAWIGAN ang mga taong nabiktima nya…mga kawawang maliliit na negosyante….isa doon ay si June Bagnon, na foreclosed ang bahay dahil isinangla para lang may maibigay kay ER at sa bayaw nyang si June Dee,..pero anong nangyari? niloko lang nila at hanggang ngayon hindi nila ibalik ang halagang tinanggap…naka tatlong sulat na ito sa upisina ni er hanggang sa umabot na ang complaint na ito sa Presidente. Walang kaluluwa at masyadong bastos ang governor na nakatsamba dahil sa ginawang kampanya ni erap.. Paano sya naging mayaman kkung talbugan mga tseke nya? Nakakahiyang maelect na Gobernador ang isang taong KAGAYA NI ER EJERCITO NAalam ng marami na MASAMANG TAO SYA, PALALO AT MANLOLOKO…MAS TAMANG IBOTO PA ANG ISANG ASO KAYSA KANYA. MGA TAGA LAGUNA HUWAG PO TAYONG PALOLOKO SA MGA PALABAS NG HAMPASLUPANG YAN, SYA ANG NARARAPAT TAWAGIN NG GANONG KATAGA DAHIL ANG KARAKTER NYA AY MAHIGIT PA DOON.DUGONG ASO!!!!

  5. nagsalita ng ganun si dir panganiban kasi, kapatis nya si denis panganiban na sanggang dikit ni egay san luis. kung ang mga paninira ay manggagaling sa kaaway, hindi dapat paniwalaan. kung walang naririnig na paninira kay san luis, hindi ibig sabihin na malinis sya, hindi lang trabaho ng kaaway nya ang manira. kung tutuusin, mas matino ang pulityika na inihahain ni er. huwag makinig sa paninira, dahil parehong may bahong itinatago ang dalawang iyan. sino ba nag file ng impeachment case kay gloria na walang sapat na batayan? sino ang kmita ng daang dang milyong piso sa gawaing ito. both of them are demons in disguise….

    • Saan ang proof mo sa daang daang milyong piso kinita ni San Luis?  Isa ka rin sa mga naninira dahil kalaban ko ng San Luis kaya hindi ka rin dapat paniwalaan gaya ng sabi mo.  At sino naman ang maninira sa hindi kalaban ng tao.  Mag-isip ka nga. 

  6. Mga tanga na lang ang mga taga laguna kung iboboto pa nila ulit yang ER na ubod ng yabang. Dapat dyan kasuhan ng plunder. Kung tutuusin cya pla ang hampaslupa eh imgine baro at salawal lang pla ang bitbit nung mapunta sa laguna tapos ngayon daan daan milyon na ang yaman. KAYA mGA LAgUNA, MAG ESEP ESEP KAYO, KUNG mULI NYONG PAUUPUIN YANG ER HAMPASLUPA na yan sa MUNISIPYO, LALoNG MASASAID ANG KUNG NATITIRANG YAMAN NG BAYAN NYO. SISIPSIPIN LAHAT YAN NI GOV. CGRO PINAGLIHI YAN NG NANAY NYA SA LINTA EH. TAMO NGA YUnG TATAY NYANG C GEORGE ESTREGAN KUnG MAKIpAGHALIKAN SA MOVIES NYA, PRANG SUMISIPSIP LANG NG KUHOL. 

      • hindi naman po porket may utang at kakandidato eh dun na kukuha ng pambayad… kay E.R na din po mismo ng galing NILOKO sya ng mga ka business partner nya… kaya sya nag ka utang.. 

        eh dun nmn po kaya sa TOPIC na from 3M to 100M SALN na issue kay ER pnu mo po idedefend??… may 2 known person na po nag salita kung anong pinang galingan ni ER…

      • sa saln lamang ni er ay pangitang pangita na ang pagiging magnanakaw nya. paano nya ipapaliwanag at manloloko pa sya na sa pagaartista. never naman syang naging bida. pera ng taong bayan ang nagproduce ng 2 pelikula nya. asyong at el presidente…nakamana na daw kay erap yan ang tugon nya. hindi na ba sila nahiya. napakarami nga palang ninakaw ni erap na hanggang pamangkin ay napamanahan ng ganoong kalaking halaga. napaka sinungaling nya. dapat yung nanay nya muna ang nakamana sa angkan nila. bakit naman sya? nightmare ang nangyari sa laguna, ang susunod na pelikula nya ay dapat may titolong: ang panggagahasa sa lalawigan ng laguna.”

      • I can’t believe this ER dude has the nerve to call others “Hampas Lupa”.  Even Erap doesn’t want anything to do with him.  That says a LOT about this ER.  He should leave Laguna now and never come back.  Nakakahiya siya.  

      • di ka nmn halata na si ER ka!!!  Umalis ka dito sa Laguna.  Hindi ka naman taga rito eh.  Magnanakaw at hambog.  

    • Hindi ako pabor sa mga sinabi ni ER o nagawa nya. Oo “good son of F. San Luis” c Egay, pero alam mo ba kung saan nila nakuha ang kayamanan nila nuon? Sa LAGUNA din, napakatagal naging gobernor ng tatay nya,kaya nakita mo naman ang yaman nila. Karma nlang din cguro na bumagsak c Egay at bankrupt na ngaun. Khit nun kumandidato syang Congressman ng Laguna, mrami syang taong binayaran para manalo. at oo nga,sya ay indipendiente nun kumandidato,pero ang totoo TUTA sya ni GLORIA,at ang ginamit nyang pera sa pagkandidato noon ay galing mismo kay Gloria. D2 mismo sa lugar namin ay patunay na bumibili sya ng boto.

      • I am working in one of the agencies of the PGL….Gov. E.R. for us is a hardworking leader…yes it’s true that he is always late, late in all the activities of the province BUT for us it doesn’t matter at all, what is important is that he gave us what we need, in fact all the requests of our agency especially the 9 government hospitals under the PGL were given in time…..we did not experience this with past governors but Gov. E.R. only…..we will support whoever wins in the May 13 election, ….Gov. E.R. is tried and tested already but if Cong. San Luis wins, we as employees of the PGL will support him just like we did with the present governor.

      • Yet kulang pa rin ang health care na binibigay sa mga mamayan ng Laguna.  Saan napupunta ang mga funding ng hospitals?  But that’s a different story.  

      • Ano pa bang kulang sa health care na ibinibigay ng province eh halos lahat na nga ng pasyente libre sa hospital, wala na ngang binabayaran, i know because i am working in a hospital at sa akin lumalapit mga pasyente na walang pambayad and we can’t  say NO to them , we don’t have the right to force them to pay….kung health at heath lang ang pag uusapan gov. E.R. gave everything maybe sa ibang bagay negative siya but not on health issues….i know because i am from the health sector. and sinasabi na walang utang na loob sa yumaong Gov. Felicisimo San Luis ? NO of course not, the late Gov. San Luis was the one who appointed me to the position at napakalaki ng utang na loob ko sa kanya but what i am saying ay yung mga nagawa at naibigay ng present governor….i’ve been with the PGL for 30 years now and still working from Gov. San Luis, Luna, Lina, Lazaro and E.R…..my point is Yes maunlad ang Laguna nung panahon ni Gov. San Luis because he was a very thrifty governor, masinop sa pananalapi ng Laguna, walang masadong pagawain,  ang funds mas inilalaan sa benefits ng mga employees kaya malaki ang savings ng Laguna that time pero ngayong naging cities na ang mostly towns ng first district, (Calamba, Sta. Rosa, Binan, etc.)  nabawasan ng malaki ang inire remit  sa province but still the basic needs are being addressed to….Neutral si Shiela and kampi kay E.R.? well No i don’ t think so, i got the point of Shiela, kaming mga employees ng PGL syempre kung sinong nakaupo, dun ang suporta namin but of course ibang usapan na pag naupo si Cong. Egay at tama si Shiela if he wins, whatever support we gave E.R. we will give it to him 1million percent pa….there’s no need to compare the 2…..hawak ni E.R. buong Laguna while Cong. Egay is very efficient in his duties as the Cong. of 4th District, so again whoever wins i know the PGL employees will give their support to him…

      • Wala kang utang na loob sa ex Gov. Felisisimo San Luis, may God rest his soul.  Noong siya ang nakaupo a kapitolyo, Laguna was the best province in the Philippines.  Marami siyang nagawa sa pagunlad nito.  As far as Egay San Luis is concerned, hindi siya sinungaling katulad ni ER.  Wala siyang itinatago.  He’s got balls to face Gloria when not a single politician in the Philippines ever dared dahil takot silang lahat sa demonyo.  At kung bakit ngayon ay buhay ba iyang Gloria na iyan.  Matagal na dapat na electric chair siya sa dami niyang nagawang kasalanan.  But it’s obvious you support ER despite your attempt to sound neutral.  Paalisan na si ER sa Laguna.  Hindi siya tubong laguna.  Mag concentrate na lang siya sa pag gawa nina ng mga movie flops niya.  He’s a liar and a thief.  Even his uncle doesn’t want to anything with him.  Shame, shame, shame…

    • aba bigtime n nga yan dumating yan s pagsanjn at nung mayor cya eh bulok n terano lng gmit ngyn puro luxury n….dun plang dpt alam n ng mga taga laguna lalo n mga taga 4th district,umuutang s worldbank ng billion tas pag sufferin nya taga laguna

Leave a Reply

Your email address will not be published.