Special Feature: Pacman is the Man!

Baghaya pang nag-iinit ang puwet ng mga miron, ginulantang na ang lahat nang halos maliping sa hilo at bumagsak ang naghamong si Ricky “The Hitman” Hatton. Tapos na ang laban ilang segundo bago magtapos ang ikalawang round, at muli, pinatunayan ni Manny “Pacman” Pacquiao na ‘He is The Man.’

Kasabay ng kanyang pananalangin at pagpapasalamat sa Panginoon, libo-libong Pinoy at fans all over the world ang nagtatalon para ipagdiwang ang isa na namang tagumpay ng boksingerong Pinoy.

Sa panibagong boxing belt na hawak ni Manny ngayon, ‘di na maitatangging siya ang No.1 pound-for-pound fighter ng kanyang henerasyon. Sa pagpapatumba ng mga Mehikano, kay Golden Boy at ngayon, kay Englishman Hatton, umukit na ng puwesto sa kasaysayan ng boksing ang pride ng Pinoy, na tinagurian na ring ‘greatest fighter of the world!’

Katulad ng ngiting bumabalot sa mukha ng Pambansang Kamao, tunay ngang pinaligaya ni Pacquiao ang sambayanang Pinoy. Sa panahong naghahanap ng bayani ang nasyon, hindi tayo binigo ng ating kampeon!

By Mayin delos Santos
Photos from Parazzi Wires, Mark Atienza, Luz Candaba, and Yomen

loading...

One thought on “Special Feature: Pacman is the Man!

Leave a Reply

Your email address will not be published.