Spanish National, Inatake sa Scuba sa Bora

ISANG SPANISH national ang patay sa atake sa puso matapos lumusong sa dagat para mag-scuba diving sa Ilig-Iligan Beach sa Brgy. Yapak sa isla ng Boracay.

Kinilala ang nasabing biktimang si Xavier Trayado Soberana, 35, taga-Spain, at nagbabakasyon lamang sa  Boracay.

Lumalabas sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), nag-scuba diving ang biktima kasama ang kanyang nobya na isa ring Spanish national pero bigla umanong nanikip ang dibdib nito at nawalan ng malay habang suot pa ang kanyang snorkeling mask.

Nadala pa sa klinika ni Dr. Marivic Lang ang biktima sa Brgy. Balabag sa isla subalit idineklara na itong dead-on-arrival.

Samantala, binawian ng buhay ang dayuhan sanhi ng cardio pulmonary heart disease secondary to supraventricular tachycardia.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.