Source ng Gas Leak sa Pagsabog sa Two Serendra, Tukoy na

TUKOY NA ng mga awtoridad ang pinagmulan ng gas leak na siyang itinuturong sanhi ng pagsabog sa Unit 501-B sa Two Serendra condominium noong Mayo 31.
Sinabi ni Atty. Raymond Fortun, abogado ng Pamilya Cayton na siyang may-ari ng unit, naibahagi sa kanila ng mga pulis ang bagong development na ito sa pagsisiyasat.
Tumanggi naman si Fortun na idetalye pa ang nasabing impormasyon sa pagsasabing maaari itong makaapekto sa imbestigasyon.
Pero sa kabila ng ulat, hindi pa rin aniya ito dahilan para agad na magturo kung sino ang may sala at pagkukulang.
Nilinaw rin ni Fortun na, “Two days ago, gas range in 501B was tested by DOST; it was intact.”
Bagama’t ikinatuwa, sinabi ng kampo ng mga Cayton na mas mainam sana kung maagang nahingi ang tulong ng mga foreign expert na siyang nagsisiyasat sa pangyayari.
Nais nilang mapabilis ang imbestigasyon sa ngayon dahil na rin sa grabeng epekto nito sa kanila.
Ayon pa kay Fortun, hindi pa sila nakakatanggap ni isang e-mail o tawag mula sa pamunuan ng Ayala.
Samantala, tumanggi muna namang magbanggit ang abogado ng mga kakasuhan ng Pamilya Cayton dahil hindi pa ito napapag-usapan at hindi pa rin tapos ang pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.