Source code 2013, Iprinisinta na

IPRINISINTA NA sa media ang source code  2013 o human readable instructions ng precinct count optical scan (PCOS) machines.

Kasama ang mga kinatawan ng Smartmatic at Dominion Voting Systems Inc., ipinakita ni Michael Santos ng Systest Labs Inc. (SLI) Global Solutions ang compact disc (CD) na naglalaman ng source code.

Ang CD ay may label ng SLI Global Solutions – Dominion Source Code at may nakalagay na confidential.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, ang Dominion ang may-ari ng source code habang ang SLI ang independent certifier na nagsabing “accurate” ito.

Samantala, inaantabayan na lamang ang mga opisyal ng Comelec para sa press conference kung saan opisyal na ipapakita ang source code sa mga political party, citizens’ arm at iba pang interesadong grupo.

Matapos naman ang pagprisinta at inisyal na review sa source code, idedeposito ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.