Sotto vs Cayetano sa RH Bill, Muling Uminit

UMALMA SI SENATE Majority Leader Vicente Sotto III sa naging patutsada ni Senate health and demography committee chairperson Pia Cayetano na hinaharang nito ang pag-usad ng talakayan tungkol sa kontrobersiyal na reproductive health (RH) bill.

Hiniling ni Cayetano kahapon na kailangang tapusin na ang period of interpellation at debate sa usapin, maliban na lamang umano kung layunin ng mga anti-RH proponents na i-delay ang pagpasa ng panukala.

“We have been debating this measure since July. It’s been four months. That’s enough time for intelligent people to study the bill,” ani Cayetano.

Hindi nila intensyong ibitin ang trabaho ng Senado, subalit mahalaga umanong matalakay nang mabuti ang kontrobersiyal na usapin, giit naman ni Sotto.

“If I am delaying this, all I have to do is to ask to read the journal. All I have to do is to filibuster. I am merely your humble servant,” dagdag pa ni Sotto.

Maliban kay Sotto, tutol din sa panukala sina Senate President Juan Ponce Enrile.

Nagpahayag naman ng interest sina Senators Ralph Recto, Ramon Bong Revilla Jr., Lito Lapid na gisahin pa sa pagtatanong si Cayetano na siyang sponsor ng nasabing panukalang batas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sotto vs Cayetano sa RH Bill, Muling Uminit

  1. Pingback: Sotto vs Cayetano sa RH Bill, Muling Uminit - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.