Sotto at Estrada, Ginapang ang CamSur Bill – Trillanes

TINUKOY NI Sen. Antonio Trillanes sina Senate Majority Leader Tito Sotto at Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada na umano’y nanggapang para mapabilis ang pagpasa ng kontrobersiyal na House Bill 4820, ang panukalang batas na naglalayong hatiin sa dalawang lalawigan ang Camarines Sur.                                                                                     Iginiit ng senador na taliwas sa ginawang pagtanggi ng kanyang mga kapwa mambabatas hinggil sa “pressure” para maipasa ang panukala, mismong sina Sotto at Estrada umano ang tumawag sa kanya para tumahimik na.

“Tinawagan nga nila ako noong Lunes, last week, para lang i-withdraw ang aking reservation for interpellations , para aprubahan na nila. Sina Senator Sotto at Senator Jinggoy Estrada, so, paano nila sasabihin na walang pressure, hindi minamadali eh, iyon ‘yun, eh. Ako nga mismo ang tinatawagan nila,” ayon kay Trillanes.

Matatandaan na sa kanyang privileged speech sa plenaryo, hayagang inakusahan ni Trillanes si Senate President Juan Ponce Enrile na umano’y naging sunud-sunuran sa kagustuhan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang nasabing talumpati ni Trillanes ang pinag-ugatan ng mainit na bangayan ng dalawang mambabatas. Samantala, muli namang pinatutsadahan ni Trillanes ang pa-ngulo ng Senado.

“Tatandaan n’yo, ito iyong taong nag-peke ng kanyang ambush. Tapos paniniwalaan natin ito na para siyang Santo Papa. Tinamaan lang iyong ego niya, kasi wala na akong bilib sa kanya, sa liderato niya, sa style niya. Kumbaga, hindi siya mahalaga sa akin.”

Sa huling araw ng ses-yon ng Kongreso noong nakaraang linggo, nabigo ang mga mambabatas na talakayin ang panukalang batas.

Muli namang babalik sa kanilang mga trabaho ang mga mambabatas sa Oktubre 8, 2012.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.