Sosyalerang aktres, muntik nang hiwalayan ng negosyanteng asawa;
napigil lang ng tangkang suicide ng nag-iisang anak

Thank God, naudlot ang dapat sana’y paghihiwalay ng isang sosyalerang aktres at ng kanyang negosyanteng asawa. The culprit to their aborted separation ay noong ma-link ang aktres sa isang personalidad who’s related to a famed broadcast journalist.

Siyempre, ang ganoong domestic problem ay hindi nakaalpas sa kaalaman ng kanilang nag-iisang anak na labis ang pagdaramdam. So, what made the couple decide to get back to each other?

Nawindang kasi ang mag-asawa sa banta umano ng kanilang anak that she would commit suicide. In fact, napabulalas daw ang actress-monther ng, “Oh, no! It can’t happen!”

So, hayun ang mag-asawa, back to their old sweet-sweet-an days as if walang naganap na kaluka-lukahan on the part of the actress.

Da who ang sosyalerang aktres na minsan na ring nadawit sa isang “kissing scandal” with an actor? Itago na lang natin siya sa alyas na Brenda Garchitorena.

 By Ronnie Carrasco

Previous articleKapag hindi nakabayad, hindi makaka-graduate?!
Next articleOgie D Production, may acting workshop ngayong summer sa pamamahala ni Direk Emman dela Cruz

No posts to display