Sorry ni Kris Aquino, ayaw tanggapin ng taga-Valenzuela – Cristy Fermin

BIGAY NA BIGAY, kilalang-kilala namin kung sino ang personalidad na nakakubli sa likod ng mga lumalabas na blind items ngayon tungkol sa isyu ng diumano’y paghihirap sa pananalapi.
Ang ibinibigay na dahilan ay ang paghihiwalay nila ng kanyang matagal nang karelasyon na nakaririwasa sa buhay at kilalang-kilala ang pamilya sa larangan ng pagnenegosyo.
Diumano, mula nang magkahiwalay sila ay nakaramdam na ng kakulangan sa pananalapi ang aktres na tinutukoy sa kuwento, hindi na raw niya nasusunod ang kanyang mga luho dahil wala na nga siyang “benefactor.”
Parang lumalabas na sikat man ang aktres na ito ay nakasandal lang siya sa kayamanan ng kanyang dating karelasyon, parang walang maitutulong ang kanyang pagsisikap, hindi pinahahalagahan sa kuwento ang malaki niyang kinikita sa pelikula at telebisyon.
Naging maingat ang aktres sa nakaraan niyang relasyon, iilan lang sa showbiz ang nakakaalam ng tungkol du’n, inosente ang publiko tungkol sa pinagdaanang relasyon ng sikat na aktres.
‘Yun ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit bagsak na bagsak ang emosyon ng sikat na aktres, ‘yun din ang sinasabing dahilan kung bakit numipis na ang kanyang wallet, nawala na nga raw kasi ang punumpunong kaban ng yaman ng dati niyang karelasyon.
Kinokontra ng kampo ng sikat na aktres ang isyu, nakaririwasa man daw sa buhay ang dating karelasyon ng aktres ay hindi naman siya umasa nang buong-buo sa kung ano ang meron ito, nagtrabaho pa rin ang aktres at kumita ng sarili niyang pera.
Ang tinutukoy na dating karelasyon ng aktres ay hindi isang lalaki. Tibo ang sangkot sa nakaraang kuwento ng buhay-pag-ibig ng sikat na aktres.

NAGLABAS NA NG pahayag ang mga bossing ni Governor Luis “Chavit” Singson na sa ginawa niyang pagpapasubaybay-pagtiktik sa mga aktibidad ng kanyang karelasyong si Che Tiongson ay wala siyang ginamit na makinarya ng gobyerno.
Hindi raw ginamit ni Governor Singson ang kanyang posisyon bilang Deputy National Security Adviser sa kaso nila ngayon ni Che, isinagawa raw ‘yun ng pulitiko sa kanyang kapasidad bilang ordinayong taong namomoroblema sa kanyang karelasyon, kaya walang dapat panagutan si Governor Chavit, sa gobyerno at sa batas.
Lumawak na nang lumawak ang isyu ng bugbugan ng magkarelasyon, humantong na ‘yun sa korte, nagsasalita na rin ngayon ang mismong anak ni Governor Chavit sa kanyang unang pamilya para sabihing napakasakit ng ginawa ni Che sa kanyang ama.
Spoiled daw si Che kay Governor Chavit, minahal daw nang todo ng gobernador ang babae, kaya bakit pa nakayang lokohin ni Che ang kanyang ama?
Sinabi rin ni Governor Chavit na wala nang pag-asang magkaayos pa sila ni Che, ang unang pagkakamali raw ay masakit na, pero mas masakit ang ikalawa nitong pangangaliwa.

NOVO ECIJANO KAMI, pero mahigit nang dalawang dekadang naninirahan sa Valenzuela City, kaya itinuturing na naming pangalawang tahanan ang siyudad na ito.
Sa pag-iikot namin sa siyudad ay marami kaming naririnig na hindi kagandahang komento tungkol kay Kris Aquino, masyado raw kasing pakialamera ang aktres-TV host sa buhay na personal ng kanyang kapatid na si Senador Noynoy, ang direkta nilang tinutukoy ay ang pagsasabi ni Kris na kailangang manatiling single ang kanyang kapatid.
Natural, taga-Valenzuela ang kasalukuyang girlfriend ni Senador Noynoy na si Konsehal Shalani Soledad, kaya ang mabilisang interpretasyon du’n ng aming mga kababayan ay parang ayaw ni Kris sa karelasyon ng kanyang kuya.
Tanggap na nilang nilangisan ang dila ni Kris, kaya nga hawak niya ang trono bilang “Taklesa Queen,” pero sana naman daw ay huwag nagsasalita ng ganu’n ang aktres-TV host dahil may pamilya, mga kamag-anak at mga tagasuporta rin namang nasasaktan ang girlfriend ni Senador Noynoy.
Nag-sorry na si Kris tungkol du’n, pero parang hindi tanggap ng aming mga kasiyudad ang panghihingi niya ng paumanhin dahil ang kanilang katwiran, “Palagi na lang ba siyang magso-sorry? Gagawa siya ng kapalpakan, tapos, magso-sorry, ganu’n na lang ba palagi ang gagawin ng babaeng ‘yan?”
Kopya.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

39 thoughts on “Sorry ni Kris Aquino, ayaw tanggapin ng taga-Valenzuela – Cristy Fermin

  1. I took a trip to Peru last year; I wanted to see Machu Picchu and I went all out, I took the Hiram Bingham train up to Aguas Calientes which is actually a luxury train. Great sights, awesome Andean Scenery and it was all planned out by http://www.peruvacationtours.com .

  2. Crispy Permina kaya nga dito na lang ako rumaraket sa Valenzuela kasi wala na nga ako Datung sa ABS na tsugi na ako.huhuhu! di balale may payola naman ako ngayon kay Lani kaya todo tanggol ko sa kanya laban kay kris. heheheh! pwede mo na rin ako supalpalan basta datung lang yan . medyo agree ako sa sinabi mo. na panget ang ugali ko gaya ng kapangitan ng Face ko.kailangan k0 na yata magpa retoke kay Belo para gumanda naman ako. about ma epal ako,well heto trabaho ko ang manira ng tao para sa kadatungan! bwahahaha

  3. MAGTIGIL KA NGA CRISTY FERMIN.
    PALIBHASA… HINDI KA NABIBIYAYAAN NG PAYOLA MULA KAY KRIS KAYA NAGNGANGANGAKNGAK KA NA NAMAN.

    ANG DAPAT SA YO, SUPALPALAN NG PERA DAHIL PERA LANG NAMAN ANG NAGPAPATAHIMIK SA MATABIL AT MADUMI MONG BUNGANGA.

    I WAS TALKING THE OTHER DAY WITH A RESPECTED TALENT AT ABS-CBN… NEVER KA NA RAW MAKAKABALIK PA SA DOS.

    BWAHAHAHA!

    ANG SAMA KASI NG UGALI MO! KASINGPANGIT NG MUKHA MO! EPAL KA!

  4. sows! ako pa mahilig yata ako sa lagay nuh! puro kadatungan lang gusto ko. di ako mabubuhay ng walang ka datungan! wahahahah!!!! cno ba tao wala hilig sa datung…chenezzz! wala aki paki kahit cno masagasaan ko basta bayad na ako. o laban kau ha? oi walang ko kontra cge i tsismis ko din kau d2. hehehe!

  5. hayan ngayon alam nyo na tunay na kulay ni Sen. Ping.napanuod ko sa TV ngayon, nakita nyo na kaya kinakampihan ni Ping si lani kasi pareho sila ng ugali, mga traidor. dati nilang kasama sa Politika hinuhudas nila. gaya na lang ngayon nagsalita sya laban kay Erap kasi naiipit na siya sa Dacer,Corvito Murder case at dinadamay pa nya si erap sa dumi na kinasasangkutan nya. nagagalit pa si Ping kay Kris dahil kay lani. No wonder kaya todo suporta nya kay lani kasi pareho sila kung maglaro sa Politika.

  6. ungas!!!! talagang ungas ka bagay sayo name mo d2. kaw ang tanga inde si sofia wala ka utak! utak talangka ka. ahuh! non sense pinagsasabi mo d2. wag ka na nga mag comment kung ganyan din lang takbo ng utak mo baka mabatukan pa kita dyan! wahahahahaha!!! nahahalata kang utak abo ka. hehehe! lika hasain ko utak mo ungas nga tumalino ka naman….hahahaha!

  7. korak ka dyan sis sofia… hahaha! kakatuwa naman comment mo ” i’m proud of my grand pa” hahaha! di sa wala ng ibang nakita si shalani kundi target nya si grand pa noy for her ambition to run in politics as congresswoman in Dist 2.. manggagamit kc ang babaeng ito. mataas ambition nya like his uncle Mon Soledad. kaya dapat i boycott lalo ito sa Valenzuela. Huwag iboto ang ganitong klaseng Politiko.

  8. sus wala nmang kwenta yung isyyu k kris nag-kukunwari lng me mga galit imbento mo lng to…me grudges k p rin over kris..
    cristy kung taklesa man si kris kya nya dalhin eh ikaw yung mga pinagsasabi mo ayun tsugi agad wala k tuloy shows..nkikinita ko na ang halakhak ni alfie, ni hero, at ang mga artistang inapi mo dati sayong mga panulat

  9. eh ano nman masasabi mo ugali ni willie mo? siympre wala kas binbayaran k niya..kya magtigil ka,,,pinakabstos na artista yung amo mong si willie,,katulad mo.

  10. oo nga napanood ko, may mga tao parang di naman nanood, nagkukuwentuhan. Daming bakanteng upuan. Akala siguro ng mga amerikano worship ang kanilang dadaluhan, nagulat siguro sila.

  11. bakit cristy, diba ganun din ang amo mong si willie? mas grabe nga kung mambastos sa ere si willie diba. bakit di ka nag-comment ng ganun sa kanya? bakit kay kris kaya mong sabihing taklesa sya? pereho lang sila. well Valenzuela is one city na zero votes si Noy dahil sa ginawa ni Kris. Oo that was really very insensitive of Kris dahil hindi nya ginalang si Shalani and di na nya binigyan ng kahihiyan ang kuya nya. Mahirap bawiin yun kahit paulit-ulit kang mag sorry on worldwide TV. (just like your willie). Sorry to rub it in…

  12. Mga nagcocomment na ayw ky kris dahil sa phayag sa knyang about sa knyang kuya, dpat lng kc bro nya un kau d nyo alam snsbi nyo…yang si shalani kilala nyo ba? ika nga DONT JUDGE THE BOOK BY ITS COVER….mukhang syang hindi makabasag pinggan sa harap ng camera pero di nyo alam sa likod si kris nakakakilala kc nakakasalamuha nya. maxado kaung pakialamero eh kapatid nya un anung karaptan nyong sbhn na galit kau kc ayaw nya ky lani

    • ur absolutely right Ms.Yin… di nila kilala si lani sa TV lng nila napapanood. kami d2 sa Valenzuela kilala namin sya dahil konsehala sya d2. kaya nakapagko- comment kami sa kanya dahil alam namin d2 sa Valenzuela kung sino matitinong Politiko. karamihan sa mga botante d2 sa amin ay ayaw na sa kanya dahil lumipat sya ng Partido.ang dati nyang partido ang nagpanalo sa kanya. nagagalit mga botante kc iniwan nya yung dati nyang partido ng hindi sya nagpa paalam at bigla na lng nabalitaan na nanumpa at lumipat na pala sa ibang partido. kaya galit ang mga tao na dati ay bumoto pa sa kanya. kaya wag pabubulag sa mga nakikita at napapanuod sa TV.

  13. talagang hwag nyo iboto si noynoy. dyows ko por santo!!!! ano ang alam nya? mas wala pa syang alam kay sa nanay nya.

    ang mama’s boy na to dinidiktahan na lang ni kris. di nya alam kung ano gagawin sa buha. tapos maging presidente?!!!! si kris kasi gustong maging first lady yan. kaya gusto single lang si noynoy.

    dyows ko. hwag naman lord!!!

  14. bulag ka ba o nagbubulag bulagan ka lng fermin? mag ikot ka nga sa Valenzuela at i survey mo si lani kung maganda image nya sa tao. tama lng na proteksyunan ni Kris is Noynoy dahil nagagamit ang kasikatan ng angkan nla sa politika dito sa Valenzuela.palibhasa di ka taga rito dayo ka lng kaya wala ka malasakit sa Valenzuela

  15. Manay Cristy, I suggest you talk to the management about sa mga foul words ng mag Kapuso followers dahil sa PSN Online may bago na silang rules.

    Yung sinasabi nung isang nag-comment na konti ang pumunta sa Lake Tahoe ay bitter lang yun dahil sold out kaya ang tiket at may nagbebenta pa nga mga sculpers. Madami talgang Joey DeLeon dito sa website kaya don’t expect na may magandang comment sila.

  16. bulag ka ba o nagbubulag bulagan ka lng fermin? mag ikot ka nga sa Valenzuela at i survey mo si lani kung maganda image nya sa tao. tama lng na proteksyunan ni Kris is Noynoy dahil nagagamit ang kasikatan ng angkan sa politika dito sa Valenzuela.palibhasa di ka taga rito dayo ka lng kaya wala ka malasakit sa Valenzuela

  17. si kris kase dapat iniisip muna ang sasabihin para di sya nagso-sory in the end. dapat maging masaya sya sa gusto ng kapatid nya. insecure yata kase mas maganda at bata ang gf ni noynoy sa kanya

  18. fermin bulag ka ba o nagbu bulag bulagan ka talaga? taga Valenzuela ka di ba? umikot ka nga sa lungsod at mag survey kung maganda image ng GF ni Noynoy na si shalani lalo na sa Dist. 2. tama lang na protektahan ni Kris ang brother nya kc nagagamit ang kasikatan nang angkan nila sa Politika sa Valenzuela.siguro nalalagyan ka ng pera kaya todo build up mo. palibhasa puro paninira lang alam mo fermin. wala ka malaskait sa Valenzuela kasi dayo ka lang! di ka Taal na taga Valenzuela.kumita ka lng kc ng pera ay okey na sayo makasarili ka

  19. Bat pa dinadaan mo pa sa blind item na kesyo sabi ni ganito at ganyan. Halata naman na imbento yung sinasabi mo na nag sasabi ng mga ganun.

    Takot ka ba ma libel ulet?

    Huh!

  20. Cristy Fermin, sabihin mo sa taga Valenzuela Mag all out War

    Din sila against Sis. Bernadette tignan natin kung sinu manana

    lo sa himagsikan ng Valenzuela.

    Sinabi mo lang to dahil War pa kayo ni Sis. Bernadette.

  21. akala ko anak ni Sen. Noynoy si Shalani. Akala ko rin girlfriend siya ni Sherwin Gatchalian. Ha ha ha ha ha ha

    Kay Shalani Ning kaya pala nag deklara ng all out war si

    sister Bernadette dahil parang anak ka lang Ni Bro. NOy.

    Sorry Shalani pero parang nag papa cute ka lang noong nakita kita sa TV nag na deklara si Bro. noy na tatakbo sa pagka Pres.

    Noong tinanong ka akala ko sasagot ka ng, I’m very proud of

    of my Dad and I will give all my support to him.

    Di ko akalain GF kapala. Wala ka na ba ibang nakita.

    • Tang ina mo bakla bakit pati yun mamahalin ng tao gusto mong pakiaalaman bitter ka bang bakla ka kasi walang pumapatol sa iyo at panay bayad lang ng 500 ang kaya mo! Ungas mukhang bata lang si Soledad pero 30 plus na rin siya! Bobo!

      • mas bobo ka hindi ako bakla! Babae po ako. baka ikaw vaklava.ahi hindi ako vayaran.

        totoo naman divah mag ama si shalani at bro. Noy.

      • Wahehehe! di lang Ungas si Uge…wala pa laman ang utak! eh kitang kita sa youtube ni willie sa lake tahoe. wala naman tao sa harapan ng stage madami bakante. sa likod lang meron at wala pa pakialam sa palabas ni willie. itong si ungas kailangan na nya magsalamin duling yata toh! bwuhahahaha!!!!

      • Hoy Uge, ungas kang talaga!!! Crush mo ba si NOynoy? Bakit pati yang mapagkunwaring Bato Ba-LANIng yan pinagtatanggol mo. Eh yang babaeng yan bayad lang katapat niyan dito sa Valenzuela. Kaya nga lumipat ng partido yan eh, credit is good but she needs cash!!

  22. asus shrek ikaw ito – ang personalidad na nakakubli sa likod ng mga lumalabas na blind items hahaha!

    puro ka blind items bakit hindi mo sabihin ng diretsahan ang mga artista na ginagawan mo ng Bling items sa ibang tabloid? dahil ba hindi naman totoo at puro ka lang imbento LOL!

    cge more williebog news please! para another P1M naman ang matatanggap mong kabayaran!!

  23. Hahhah hah hah hah hah hah hah, good day uli tita Cristy. Sobrang mapagmahal kasi si Noynoy sa akin, lalo na kina Josh at baby James kaya ko lang naman nasabing gusto kong maging single siya. Wala akong power sa lovelife ni Noynoy hah. At kung gusto niyang magpakasal ay wala kaming magagawa anoh? Mag share ako pag nagpakasal sila ni Shalani Soledad, pero sana pagkatapos na ng eleksiyon, para kahit paano matikman ko naman ang maging first sister anoh. Hahhah hah hah hah hah hah hah.

  24. Fermin, me computer ka ba ? Punta ka sa You tube.Check mo kung tagumpay nga at maraming tao ang Lake Tahoe show ni Papa Willie mo. Eh walang tao. Libre pa pala ang mga tickets. namigay na lang kasi hindi puno.

    Yan ba ang putok na putok na Lake Tahoe show na sinasabi mo?

    Marunogng ka ba mag internet o mag You tube?

      • Gaya ng pangalan mo, ganon din utak mo. Kung di ka tanga bobo ka. Bulag ka din yata o para safe naman, duling lang!! Lakas ng loob mo ibalandra ang youtube ni Willie, wala naman talaga katao-tao. Yung harapan bakante, at yung nasa likuran nagkukuwentuhan. Siguro nililibak ang palabas, kala kasi ng mga kano Evangelist ang pinuntahan, yun pala namamalimos lang ng kita.

  25. Blind items ngayon tungkol sa isyu ng diumano’y paghihirap sa pananalapi.

    Hindi ba ikaw iyan ,Cristy Fermin?

    Hirap na hirap ka na dahil wala ka ng matinong trabaho. Wala ng iba kundi ang ipagtanggol lang si Sugar Daddy mo na si Willie Revillame. Sugar kasi sa kanya ka na lang umaasa ng datung ngayon sa bawa’t abot langit sa pagpuri mong write up mo sa kanya.

    • fermin dagdag info sayo ha….paki tanong nga si lani bakit sya bumaligtad at lumipat ng partido? nakaupo naman syang konsehalng Valenzuela. nagpanalo sa kanya ay partido ni magi bakit nya iniwan ito? tingin mo di magagalit sa kanya ang tao sa ginawa nya? yan ang alamin mo ha

Leave a Reply

Your email address will not be published.