Sorpresa sana sa birthday concert ni Sharon Cuneta, ibinuking ni Kris Aquino! – Pilar Mateo

PANGANGATAWANAN NA NGA ni Kris Aquino, kasama ng kanyang mister na si James Yap ang pagsalang sa entablado ng Araneta Coliseum mamayang gabi sa libreng birthday concert ni Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang fans.

Hindi sinasadyang naibalita ni Kris sa SNN (Showbiz News Ngayon) last week na ipinadala na sa kanya ang study tape para aralin niya at ni James sa duet nila ng theme song ng kanyang bagong soap sa ABS-CBN, ang “Kung Tayo’y Magkakalayo”. Hindi agad nasabi kay Kris na sorpresa ito dapat sa Megastar. Pero nai-announce na niya agad sa kanilang programa ni Kuya Boy Abunda.

Kaya kinarir na rin niya ang pagpu-promote nito.

At ilang araw bago ang concert mamaya, panay na ang sakit ng lalamunan at ngala-ngala ng multi-media queen dahil panay na nga raw ang rehearse nila ng pagkanta ng kanyang mister. Nahihiya nga si James sa mga kapit-bahay nila dahil hindi nila napa-sound proof ang kanilang unit. Nagwo-worry lang ito na makabulabog sila ng neighbors nila.

Pero after ng concert mamaya, quiet na uli sa bahay ng mga Yap.

MARAMI ANG NA-SHOCK sa nagsabing may dating PBB housemate na umamin sa kanyang Facebook na siya ay isang ‘gay’.

Na nilinaw naman kaagad ni Kian Kazemi, at idinenay dahil may nag-hack daw sa kanyang account na siyang nagsulat ng nasabing shout out tungkol sa nasabing pag-amin.

Ang sabi lang ni Kian, “I love everything about women.” Kaya hindi raw siya dapat na pagdudahan sa kanyang gender.

Mukha namang kapag ganito ang mga usapan eh, bihira talaga ang aamin. Umamin man eh, talagang maghihintay pa ng mahabang taon ng pagkakakulong sa kloseta.

IBA NAMAN ANG kuwentong natulikap ko tungkol sa isang ginagawa ngayon para maging important star ng isang network. Dahil inamin nito na naging alaga siya ng isang ‘gay’ at sa kanyang murang edad eh, naging suki na pala ito ng mga casino bago pa man mauso ang mga online gaming.

Sinisikap ngayon ng binata na muling kuminang ang kanyang nabimbing pag-arangkada. Buti na lang at mahusay ang manager niya.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

7 thoughts on “Sorpresa sana sa birthday concert ni Sharon Cuneta, ibinuking ni Kris Aquino! – Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published.