Sorpresa sa Kasalan

Carmina Villaroel and Zoren Legaspi

Picture 1 of 2

 

DALAWANG MALALAKING showbiz wedding ang nasaksihan ngayong taon – ang kasalang Precious Lara Quigaman-Marco Alcaraz at Carmina Villaroel-Zoren Legaspi. Kapwa mala-teleserye, kundi man mala-fairytale – ang nasabing kasalan na mayroong ‘twist and turn’.

Sa kasal nina Precious Lara at Marco noong July 8 sa Hacienda Isabella, nagulat ang lahat ng ‘di nakaaalam nang inanunsiyo ni Marco sa kanilang wedding vows na on the way na sila ni Lara sa parenthood, dahil 6 na buwan nang buntis ang beauty queen-turned-actress.

Samantala, ang inakalang photoshoot ni Carmina ay isa na palang totohanang kasal. Isa ngang surprise wedding ang ibinagay ni Zoren sa kanyang long-time partner na si Carmina noong November 15 na ginanap sa Fernbrook Gardens sa Alabang. Mahigit isang linggong sinikreto ni Zoren kay Carmina ang nasabing kasalan, kakuntsaba pa ang kanilang kambal, mga kaibigan at kapamilya.

Sabi nga ng gasgas nang kasabihan, ‘sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy’. Kaya naman, best wishes sa mga bagong kasal… and may you live happily ever after!

By Dani Flores

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.