SOPs sa Checkpoint, Bantay-Sarado

PINASUSUMITE SA su-sunod na linggo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. ng ulat ang mga regional directors ng kanilang kagawaran hinggil sa monitoring ng mga ito sa unang araw ng election period.

Una rito, nagpahayag ng pagkakuntento si Brillantes sa pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) ng random checkpoint sa National Capital Region.

Sinabi ni Brillantes na sumusunod naman aniya ang PNP sa mga alituntunin ng Comelec hinggil sa paglalagay ng chekpoints, partikular sa pagpapatupad ng election gun ban.

Mismong si Brillantes at NCRPO Chief Leonardo Espina ang personal na naglibot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para matiyak na nasusunod ang “standard operating procedures” ng mga kinauukulan.

Kabilang sa mga panuntunang ito ay dapat nasa maliwanag na lugar ang mga checkpoints at ito ay may mga “visible signage.”

Dapat din umanong naka-uniporme ang lahat ng mga police personnel na nakatalaga at mayroong PNP-marked vehicle.

Kaugnay nito, muling binigyang diin ni Brillantes na mahigpit na imo-monitor ng Comelec ang pinaiiral na checkpoint at iba pang security measures ng PNP para sa nalalapit na eleksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.