“Songs in the Key of X” concert ni Xian Lim, magaganap na ngayong July!

Xian Lim

I’M SURE NA mami-miss ng mga Kim-Xi fans nina Xian Lim at Kim Chiu ang partisipasyon ng dalaga sa nalalapit na concert ni Xian na “Songs in the Key of X” na magaganap on July 15 sa Solaire Hotel.

 
Pinangalanan na ng actor-singer-performer ang line-up ng mga guests sa sinasabing “very personal” show ng binata.
 
Kabilang sa mga guest perfomers sa concert ay sina Jona, Matteo Guidicelli at KZ Tandingan.
 
Sa last concert ni Xian na “A Date with Xian” noon sa Kia Theater ay special guest ng binata ang  dalaga kung saan nagkaroon ng “special” dance production number ang dalawa na tawag ng mga nakapanood ay tipong ” dirty dancing”.
 
Paliwanag ni Xian: “Pero kasama ko siya sa brainstorming. She’s a big help. She promised me that she will support and buy tickets, ” nakangiting pahayag ni Xi.
 
Songs in the Key of X is produced by Kim Xian Around the Globe(KATG) and directed by Alco Guerrero.



 
Pangako ni Xian na may “pasabog” siya na gagawin sa show bukod sa mas loaded ito with 19 solo songs aside from his duet with his guests.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.