SONA ni P-noy, ambisyoso

LUMALABAS NA masyado umanong ambisyoso ang naging State of the Nation Address (SONA) ni Pa-ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni dating Budget Sec. Benjamin Diokno na saan umano kukunin ng Pangulo ang pondo para sa infrastructure projects sa kanilang NLEX-SLEX connector at LRT expansion.

Ayon naman sa political analyst na si Alex Brillantes, hindi simple ang target ni Aquino na 10 milyong turista kada taon hanggang taong 2016.

Sa kabila ng isa’t kalahating oras na talumpati ng Pangulo, may mga nakulangan pa ring mambabatas sa detalye ng mga nakamit ng nasabing administrasyon sa loob ng dalawang taon.

Sa panig ni Zambales Mitos Magsaysay, hindi naman natumbok ng Pangulo ang mga problemang mas malapit sa taumbayan at tila naging budget briefing lang ang simula nito.

Bigo rin aniya si Aquino na ipaliwanag kung bakit mas maraming Pinoy ang nagsasabing nagugutom sila sa kabila ng mga programa ng administrasyon.

Samantala, hinanap naman ni Bayan Muna Representative Teddy Casiño sa SONA ang isyu sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hindi rin aniya nasagot ng Pangulo ang problema ng urban poor sa usapin ng pabahay sa harap ng napakaraming demolisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “SONA ni P-noy, ambisyoso

    • kahit naman maghanap ng trabaho ang mga mahirap na pinoy, wala ring makita or hindi sila qualified dahil puro mga walang pinag-aralan. ang natutunan lang nila kasi ay gumawa ng gumawa ng bata at gobyerno ang sisihin kapag wala ng malamon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.