Solusyon sa Power Crisis, Hinaharang

NAGPASARING SI Pa-ngulong Benigno ‘ Noynoy’ Aquino III sa mga patuloy na bumabatikos sa ka-biguan ng administrasyong maresolba ang malawakang power shortage sa Mindanao.

Inaabot ng hanggang pitong oras ang brownout sa ilang bahagi ng rehiyon at malaking perwisyo ito sa mga negosyante at mamamayan.

Ayon sa Pangulo, aminado naman siyang obvious ang problema ng kuryente sa Mindanao, pero maraming humaharang sa bawat naiisip na solusyon.

Sinabi pa ni Pangulong Aquino na madali ang magreklamo, pero dapat daw may kaakibat na solusyon at hindi lang puro grandstanding o pagpapa-cute.

Samantala, ipinaalala pa ng Pangulo na hindi naman maaaring pamahalaan ang magpatayo ng mga planta dahil labag ito sa EPIRA Law na ipinasa ng mga kongresistang may pansariling interes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.