Solusyon Kontra Agri Problem, Ilalabas

TINIYAK NI Agriculture Sec. Proseso Alcala na mabibigyan ng agarang solusyon ang problema sa agrikultura ng mga apektado at nalasanta ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

Kabilang sa plano ng nasabing kagawaran ay ang pagbibigay ng binhing madaling tumubo para itatanim ng mga magsasaka.

Kasama na sa ipa-mimigay ay ang binhi ng mais, palay at mga gulay na nagpoprodukto kahit sa loob lamang ng 30 araw.

Kung may alternatibong solusyon para sa mga magsasaka, may ilalaan din umanong mga bangka na kumpleto ng motor para naman sa mga mangingisda at para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Samantala, inaasahang masisimulan umano ang nabanggit na solusyon sa lalong madaling panahon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.