Soltero, Todas sa Nanitang Katomaan

TODAS ANG isang matandang binata matapos pagbabarilin ng nanitang kainuman sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan si Agustin Dela Cruz, 50, ng F. Cruz St., San Jose ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Salvador Parde, 38, ng Santillan Compd., San Jose ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng madaling-araw, nadaanan ng biktima ang suspek na nakikipag-inuman malapit sa bahay ng una at nakitagay si Dela Cruz.

Sinita ng suspek ang biktima dahil hindi kasama sa plano sa inuman na ikinagalit ng huli hanggang sa mauwi sa pagtatalo.

Nagbunot ng dalang baril ang suspek at dalawang sunod na pinutukan nang malapitan ang biktima bago tumakas ang huli dala ang baril.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.