SOLTERANG PULIS ASSET, PINATAY

PATAY ANG ISANG 48-anyos na soltera na sinasabing asset ng mga pulis makaraang barilin ng ‘di pa nakikilalang lalaki nang pasukin ito sa loob ng kanyang silid habang natutulog kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-the spot sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kanang mata ang biktimang si Marilyn Cellon y Asibuche, ng Block 9, Lot 6, Phase 2, Area 3, Hito St., Bgy. Longos, Malabon City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Ayon sa saksing si Cecilia Sy, 34, dalaga, vendor, kapit-bahay ng biktima, nakita nitong isang matangkad na lalaki, maitim ang kulay, may tattoo sa kanang balikat, walang pang-itaas na damit, nakasuot ng maong short at naka-sombrero ng kulay pula.

Hanggang sa bigla na lamang nakarinig ng isang putok ng baril si Sy, lu-mabas siya ng kanyang silid upang alamin ang pangyayari at nakita nito ang suspek na lumabas ng silid ng biktima patakas.

Agad na tinungo ni Sy ang silid ni Cellon at bumulaga sa kanyang harapan ang naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay na biktima, dahilan upang ipaalam nito sa pulisya ang naturang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Cellon ay police asset na siyang nagtuturo sa mga awtoridad kung sino ang mga tulak ng iligal na droga sa kanilang lugar. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.