Soltera, natagpuang patay

TULUYAN NANG HINDI na-gising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang isang 57-anyos na soltera nang matagpuan itong wala nang buhay sa kanyang silid kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Isang malamig na bangkay na nang matagpuan ang biktimang si Rosalyn Caranto ng # 156 Barrio Pacita St., Brgy. 95, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa kanyang silid sa naturang lugar.

Ayon sa pamangkin ng biktima na si Alberto Caranto, 31, may-asawa, huli nitong nakitang buhay ang tiyahin (biktima) alas-7 ng gabi bago ang insidente nang pumasok sa kanyang silid para matulog.

Kinabukasan, nagtataka ito kung bakit hindi pa lumalabas ng kanyang silid ang biktima samantalang palagi itong maaga kung magising. Dito, kanyang pinasok ang silid ng tiyahin at nakita niyang wala nang buhay dahilan upang ipagbigay-alam nito sa pulisya ang nasabing insidente.

Inaalam na ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng biktima o kung may naganap na foul play sa naturang insidente.          (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.