Tago: Solon, suplado pero mahilig mag-PR

Hindi kinakaya ng mga utaw of the Philippine Republic na madalas tambay sa Congress ang ugali ng isa sa ating pinagpipitaganang mambabatas.

Ayon sa kuwento ng ating Chikadorang Makulit, nuknukan daw ng suplado ang isang mambabatas na napakahilig namang maglabas ng kung anek-anek na mga press releases.

Aba’y akalain n’yo raw ba namang madalas niyang dedmahin ang mga tawag ng mga mamamahayag na magtatanong lang naman tungkol sa mga inilabas niya mismong press releases. Journ 101 lang naman kasi na kausapin ang source ng press release upang makumpirma kung sa kanya nga ba nanggaling ito at para linawin na rin ang ibang detalyeng nakapaloob dito.

Sa pag-iimbestiga pa ng ating asset, lalo raw nag-init ang ulo ng mga tambay ng media center nang mabatid na sadya ang pagtataray ni Kong Suplado. Sa dalawang bonggang broadsheets lang daw niya type maglalabas ng kanyang feeling dear comments. May humirit pa nga raw na feeling yata ni Kong Suplado, eh, kasing sikat na siya ni Pedro Jose, ‘no!

Napag-alaman din ni Chikadorang Makulit na naging gawi na raw ni Kong Suplado na dedmahin ang mga mamamahayag mula sa maliliit na tabloids at broadsheets. Kasi nga naman, ang mga diyaryong matatagpuan sa kanyang opisina, eh, ang dalawang leading broadsheets lang of the Philippine Islands.

‘Eto pa ang matindi, naiinis daw si Kong Suplado kung maikling bahagi lang ng interview niya ang

lumabas sa diyaryo at TV.

Tsk! Tsk! Tsk! Kong Suplado pero adik sa mga press releases, ano ba talaga ang trip mo?! May kalabuan ka rin, hane?!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.