Tago: Solon, master of disguise para makagimik sa beerhouse

Hep, hep, hep, mga chikadorang ka-berks! Heto ang latest tsismis na ating nasagap mula sa House of Reps ng ating minamahal na Philippine Congress (na napaulat na dinalaw na rin ng Influenza A(H1N1) virus).

Sa umpukan ng mga miron, maugong ang tsika na isa raw solon ang madalas mamataan sa ilang bahay-aliwan sa Kamaynilaan. Ayon sa tsismis, nahihilig daw ang mambabatas na tumambay sa mga bars kung saan naglipana ang mga alipores ni Eba na nagbebenta ng panandaliang aliw na tutugon sa uhaw na laman ng mga batuta, este, bataan ni Adan.

Pero dahil mayroon siyang karerang pinuprotektahan at mahirap namang makatabi niya sa upuan ang mga constituents na kanyang kinukulit tuwing botohan, kung anu-ano raw ang kanyang gimik para lang mapagtakpan ang kanyang identidad.

Kaya para lang iniidolo si The Mask na hari ng disguise, hayun, may-i-put some bigote to the left at wig to the right ang ating madiskarteng solon. Sabi ng mga tambay ng Kamara, mukhang epektibo raw naman ang kanyang moda. Dahil kahit ang mga utaw sa mga clubs na pinupuntahan niya, hayun, hindi siya makilala at akala lang, eh, isa sa mga madatung pero damatans lang na parukyano nila.

Tsk! Naku pow naman, Kong… hindi ba bawal sa relihiyon mo ‘yan?! Lagot ka kay Bro…. Pramis!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.