Tago: Solon, mas inuuna pa ang chikas

“Tsk… tsk… tsk!” Ito ang hirit ng ating makulit na bubwit matapos ma-hearsung ang tsika tungkol sa bida nating legislator.

Sa latest sagap ng kanyang tsismis radar, napag-alaman na naging biktima pala ng ating bidang solon ang isa sa mga kasamahan natin sa media. Ang tsismisan ng mga miron, isang mamamahayag daw ang nagpuputok ang butse ngayon dahil basta-basta na lang ito inetsapuwera ni Kong. Hindi naman daw maramdamin ang mamamahayag pero hindi nito matanggap ang dahilan ng pagkakaetsapuwera rito.

Ang nangyari raw kasi, katsikahan ng mamamahayag ang mambabatas dahil may mga materyales na puwedeng ibigay ng huli sa una para sa artikulong isusulat nito. Pursigidung-pursigido nga raw si Solon dahil nga naman chance niya to shine ‘yun.

Pero iba raw talaga yata ‘pag hilig ang kumulbit sa kanyang ‘di naman kaputiang batok. Dahil nang masilayan ni Solon ang mga beautiful Evas na bumisita sa kanilang sesyon, eh, tinalo pa niya ang giraffe sa paghaba ng leeg at batok.

Bakit kan’yo, mga tsong? Kasi naman, matagal na kasing maugong ang tsikang weakness ni Solon ang magagandang babae.

Ikinadismaya raw ng mamamahayag nang ep na ep na nagtungo si Solon sa puwesto ng mga beautiful girls at parang nalimutan na mayroon pala siyang kahuntahan sa floor. And to the dismay of the mirons, (may ganun?) hayun, umiral na naman daw ang mga pasimpleng tsansing ni Solon na para bang isa lang siyang caring at loving legislator.

Tsk… tsk… tsk! Kawawang tsikas, natsansingan na, eh, hindi pa alam. Pero sabagay, hindi naman natin masisisi ang pure mind ng mga batambatang babae, hindi naman kasi nila alam na medyo may kalandian ding itinatago ang ating bida, ‘no!

At ano’ng nangyari sa mga kapulong niya, hayun, umeskapo na lang nang bonggang-bongga kesa naman magtiyaga sa mambabatas na kinakarir at binobola ang mga walang kamuwang-muwang na isipan ng mga ito. Siya, ‘wag mo lang isama sa mga trips mo abroad ang mga ‘yan, ha…baka buminggo na u sa madlang mahaderas!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.