Soliman, Binatikos ang Pag-Ransack sa Opisina

GALIT NA binatikos ni DSWD Sec. Dinky Soliman ang naganap na pag-ransack sa kanilang tanggapan sa Davao City ng ilang galit na mga biktima ng nagdaang bagyong si Pablo.

Sinabi ni Soliman na kabilang sa tinangay ng mga tao ay mga saku-sakong bigas, suplay ng sardinas at noodles.

Inakusahan ng kalihim ang nasa likod ng pangyayari na ginagamit ang mga tao sa kanilang pamumulitika.

Tinukoy rin ni Soliman ang militanteng grupo na Gabriela, Anak-Pawis at iba pa na nagkaroon pa ng dayalogo at hindi pa nga natatapos ang pag-uusap.

Ayon pa kay Soliman, madali naman silang pakiusapan at mamigay ng relief goods kung ilista lamang at tukuyin ang mga lugar kung saan dapat.

Samantala, nagsagawa na rin ng operasyon ang mga kinauukulan upang bawiin ang ilang mga supplies na inabutang ikinarga sa ilang sasakyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.