Solgen, Law Dean at Veteran Lawyer, Nominado na Maging Susunod na CJ

 

MAY TATLONG nominasyon nang natanggap ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng bagong chief justice.

Ayon kay Jose Mejia, miyembro ng JBC na kumakatawan sa academe, isinumite na sa kanila ang nominasyon nina Atty. Katrina Legarda, Solicitor General Francis Jardeleza at Ateneo Law Dean Cesar Villanueva.

Isa umanong Atty. Myrna Feliciano ang nag-nominate kay Legarda habang isang Atty. Ramon Torralba, Jr. naman ang nag-nominate kay Villanueva, ani Mejia.

Sa ngayon, patuloy pa rin naman sa pagtanggap ng nominasyon at aplikasyon ang konseho hanggang Hunyo 18.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.