Solenn Heussaff, walang kiyemeng niromansa sina Dennis Trillo at Paulo Avelino!

LUMABAS NA noong Lunes ng gabi ang official movie trailer ng Yesterday, Today and Tomorrow, na entry ng Regal Films para sa napipintong Metro Manila Film Festival. Intriguing ang nasabing trailer lalo na nang umabot na sa mga eksena ni Solenn Heussaff, kung saan walang kiyeme itong nakipaglaplapan sa dalawang hunk actors na sina Dennis Trillo at Paulo Avelino. Base sa trailer, isang babaeng ayaw mag-commit sa iisang lalaki ang papel ni Solenn dito. Martyr na dyowa naman niya rito si Paulo na hinahayaan lang siyang maglaro. Ang nakakaloka rito ay ang papel ni Dennis bilang gym instructor na iibig kay Solenn, pero bayarang kabit ni Agot Isidro na nanay ni Solenn sa pelikula! Kapana-panabik ang nasabing pelikula hindi lang dahil sa mga sexy scenes, kundi dahil na rin sa star-studded cast nito topbilled by the one and only Diamond Star Maricel Soriano.

 

Glaiza de Castro at Angelika dela Cruz, magtutuos!

 

MARAMI ANG natutuwa para kay Glaiza de Castro dahil nakatakda na itong bumalik sa pagiging bida. Ang dalaga ang bida sa upcoming primetime series ng Siyete na Bi-ritera. Makakapareha niya rito si Dennis Trillo at si Angelika dela Cruz naman ang magiging mahigpit niyang katunggali. Ginanap ang teaser shoot noong nakaraang Linggo. Kasalukuyang napapanood sa epic-seryeng Amaya si Glaiza at marami nga ang nanghinayang nang biglaan itong ‘ma-demote’ sa supporting role kahit pa nagbida na ito noon sa Grazilda. May tsika rin na tutuparin na ng Regal Films ang pangako nitong bibigyan ng lead role si Glaiza matapos ipasa kay Lovi Poe ang pelikulang Aswang, na unang inalok sa kanya. Wala pa raw nagaganap na story conference para sa Biritera, pero obvious naman sa title nito kung ano ang magiging flow ng istorya nito. Good luck sa ‘yo, Glaiza!

 

Jason Abalos at Maja Salvador, balik-tambalan!

 

BALIK-TAMBALAN MULI sina Jason Abalos at Maja Salvador sa bagong Precious Hearts Romances offering na Lumayo Ka Man Sa Akin. Ginanap ang story conference ilang araw na ang nakararaan at pasok din sa cast sina Ina Feleo, Ina Raymundo at ang nagbabalik-Kapamilya na si Patrick Garcia. Sina Jason at Maja ang dalawa sa Kapamilya stars na flexible pagdating sa loveteams. ‘Ika nga, kaya nilang mag-survive sa showbiz na hindi dumi-depende sa iisang partner lang. Nagsama na noon ang dalawa sa ilang pelikula tulad ng First Day High, My Kuya’s Wedding at Thelma. Sila rin ang bida sa Nagsimula sa Puso, kung saan ka-love triangle nila si Coco Martin. Teka, bagong PHR show na naman?! Ilabas muna nila ang Hiyas nina Zanjoe Marudo at Megan Young, ‘noh!

 
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

5 thoughts on “Solenn Heussaff, walang kiyemeng niromansa sina Dennis Trillo at Paulo Avelino!

  1. ANO PA BA NAKAKAGULAT DYAN EH KHIT PA NGA MAKIPAG-KANTUTAN NG TOTOO C SOLENN SA MOVIE NYA EH DI NA NAKAKAGULAT YUN. SA TOTOO LNG MUKHANG PUTA C SOLENN. BWAHAHAHAHAHHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.