Solenn Heussaff, Taken na!

NAKAUSAP NAMIN si Solenn Heussaff sa isang event sa Makati last week at inusisa naming ito, kung saan nga ba siya magsi-celebrate ng Pasko. Kuwento niya, sa December 24, ay sasama muna siya sa Parada ng mga Bituin sa MMFF dahil kasama nga siya sa pelikulang Yesterday, Today, Tomorrow. Kinabukasan daw ay lilipad na siya patungong Argentina kasama ang kanyang boyfriend.

Parang nadulas si Solenn tungkol sa pagkakaroon na niya ng bf pero pinanindigan na rin niya sabay sabing, “Yeah, meron na, secret sana… kaso, nasabi ko na.”

Goodluck girl!

PAGKATAPOS NG halos walong taon, muling makapagse-celebrate ng Pasko sa bansa ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Wala na raw siyang mahihiling pa sa Christmas kundi ang magandang kalusugan. Aniya, “Wala na po, kung tutuusin naibigay na po sa akin lahat nu’ng nasa itaas, wala na akong hihilingin pa.

“Siguro ang hihilingin ko na lang ‘yung magiging malusog ako, para at least kahit papapa’no ba magpapatuloy pa rin ang pagtatrabaho, hindi ang maging sakitin.”

Nakatakdang lumipad pa-Amerika si Ate Guy sa darating na Januray 5, at isa sa mga gagawin niya roon ay ang magpa-opera ng kanyang vocal chords. Wish namin ay maging maayos ang nakatakdang pagpapagamot ng Superstar upang muli na siyang makakanta.

BLIND ITEM: Sa isang pagtitipon, nairita ang aming source sa asta nitong isang la-ocean deep na graduate ng isang reality show. Ayon pa sa kanyang kuwento, nagpakuha ng pagkain itong reality show graduate sa kanyang alalay, na malugod namang sinunod ang utos ng kanyang amo.

Pagkakuha ng pagkain ay inilapag na niya ito sa mesa at sinabihan si reality show graduate na kumain na ito. Tinignan lang daw ni reality show graduate ang pagkain at parang hindi nito feel na kainin ang food na kinuha ng kanyang personal assistant.

So deadma na si PA, at nang lumalim na ang gabi, nagpaalam itong si PA na kukuha ng food dahil gutom na ito. Dito na nag-inarte ang reality show graduate at parang sinabihan ang PA na huwag kang kumain dito, hindi ka kabilang sa headcount kaya stay ka lang diyan.

Napansin ng aming source na sobra-sobra ang pagkain sa buffet table at lahat ng nandu’n, puwede pang bumalik at kumain ulit. Dagdag pa ng aming source, napaka-beast naman ng ugali nitong reality show graduate, hindi raw pala siya beauty talaga! Naku, may makakakilala kaya sa kanya?
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleInaraw-araw raw sa commercial shoot Gerald Anderson, tinotoo na ang panliligaw kay Sarah Geronimo?!
Next articleKatrina Halili, ayaw nang ma-in love?!

No posts to display