Solenn Heussaff, sobrang liberated

Solenn-HeussaffISA SA mga artistang babae natin sa kasalukuyan na super liberated ay itong si Solenn Heussaff.

‘Di nga ba’t ang kissing scene nila ng komedyanteng si Vhong Navarro ay “labas-dila” tulad ng tawag niya. Maging ang role niya na always magpapakita ng underwear (panty) dahil sa suot nitong mini skirt-dress ay oks lang sa dalaga.

Hindi isyu kung makita man ang umbok niya o ang cleavage na nakaluwa dahil hindi naman daw ‘yun makukuha ng iba.

Si Solenn ang tipong artista na madali pakiusapan kung kailangan niyang gawin ang mga eksenang sexy.

Kaya nga sa pelikulang Da Possessed, ang tipong “comeback” movie ni Vhong sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, may mga kissing scenes sila ni Vhong na hindi issue para sa dalaga.

“If it’s part of my work, then I will do it,” wika niya.

Liberated na liberated si Solenn na for sure ang ibang mga artista natin sa ngayon, aatras at hindi keri ang kaya niyang gawin for the love of her work.

Sa katunayan, sa latest issue ng isang local society magazine na Hola, nasa cover sila ng boyfriend niyang si Nico Bolzico na both ay naka-topless na magkayakap.

Pero hindi ito bago para kay Solenn na sa recent visit niya sa pamilya ng boyfriend last Christmas (Argentinian si Nico), may pictorial silang dalawa na nakahubad (na wala namang nakikitang maselan na parte ng kanilang katawan) sa isang mala-forest sa gilid ng isang magandang sapa.

Kung ibang artist lang si Solenn, ewan kung may ganyang pictorial sila tulad sa dalaga.

Basta ako, love ko siya sa pagiging prangka at straight forward. Love ko talaga ever since ang mga taong diretso kausap lalo na ang mga intelehente tulad ni Solenn.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Solenn Heussaff, sobrang liberated

  1. Pingback: Solenn Heussaff, sobrang liberated - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.