Solenn Heussaff: Sinner or Saint

PARANG KAILAN lang nang pasukin ni Solenn Heussaff ang magulong mundo ng showbiz. Laman na siya noon ng mga magazine bilang model, make-up artists at ‘socialite’. Ito ang dahilan kung bakit marami ang nagtaas ng kilay nang mapasali siya sa programang ‘Survivor’. Dumami naman ang tagahanga nito nang makapasok siya sa Top 3.
Sunud-sunod na ang naging showbiz commitments ng dalaga. Nagkaroon ito ng sandamakmak na product endorsements, TV shows, movies and even her own recording album. Siya pa rin ang itinuturing na ‘IT Girl’ ngayon dahil nakuha niya ang puso ng mga sosyal at masa. Professional din ito sa kanyang mga proyekto at halos walang kyeme itong sumagot sa mga tanong.
Kamakailan lang ay inilabas ni Solenn ang kanyang sophomore album simply titled ‘SOS’. Ito ang kanyang palayaw, at p’wede rin na acronym ng ‘Sinner or Saint’. Ayon kay Solenn, mas confident siya sa album na ito dahil naglalaman ito ng 9 originals tracks and 2 revivals. Maaaliw kayo sa kanyang dance version ng boyband hits tulad ng ‘All I Have to Give’ ng Backstreet Boys at ‘Cry Me a River’ ni Justin Timberlake, na ex-lead singer ng ‘N Sync.
Ang kantang ‘Diva’ ang unang kantang inilabas mula sa album. Ito ay nagpapatungkol sa mga babaeng kung umasta’y akala mo kung sino. Hmmm… may pinariringgan ka ba, Solenn? Hehe!
Ilan sa mga nagustuhan namin na kanta ay ang Chasing The Sun (pang-summer!), Is This Love, Turn Your Love Around (isinulat ni Ely Buendia) at Until The Sunrise (collaboration with The Morning Episodes). Sa totoo lang, may potensyal ang album na ito for international release, basta maging maingat sila kung alin ang single na ilalabas. Panahon na siguro para mamayagpag naman ang dance party music sa mga Pinoy!

Visible si Solenn ngayon sa telebisyon sa pamamagitan ng Akin Pa Rin Ang Bukas. Malapit na rin ipalabas ang sex-comedy film na Status: It’s Complicated, kung saan makikipag-showdown ito kina Eugene Domingo at Maja Salvador.
Mabibili na ang “SOS” sa iTunes. Bili na and get ready to party!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.