SOLENN HEUSSAFF, PINOPORMAHAN NG GLEE ACTOR?

Naging usap-usapan ang pagdating ni Mark Salling sa bansa. Siya ang gumaganap sa papel na ‘Puck’ sa American musical series na ‘Glee’, kung saan lumabas din si Charice Pempengco. Sa Boracay kasi ito nagbakasyon noong Pasko at balitang enjoy na enjoy raw ito sa kanyang pamamalagi sa Pilipinas.

Namataan pa nga na magkasama sila ng Survivor Philippines Celebrity Edition graduate na si Solenn Heussaff na halatang masayang nagba-bonding sa beach. Sabi pa nga ng aming source, sweet na sweet daw ang dalawa at nasabi pa raw ng aktor na willing siyang mag-resign sa programang Glee para lang tumira sa Pilipinas at magpakasal sa Pinay. Did Puck just found love in Boracay? We hope this love survives!

IWA MOTO, NAGPAPARAMDAM NA SA IBANG NETWORK?

Balik sa pagiging kontrabida ang beauty ni Iwa Moto sa Dwarfina. Maliban kay Katrina Halili, si Filipina-Japanese sexy actress ang palaging kinukuha ng GMA-7 bilang kontrabida. Ngayon lang ulit nagkaroon ng permanent show ang dalaga, na naging bakante rin sa nakalipas na anim na buwan. May mga usap-usapan na nga noon na may balak daw itong lumipat sa ibang istasyon. Agad naman itong kinontra ni Iwa mismo at pakiramdam naman daw niya ay hindi siya pinapabayaan ng Kapuso network.

Naging vocal naman ito sa press nang tanungin kung tatanggapin nito ang offer ng ibang istasyon kung sakaling may magkainteres na kunin siya. Open naman daw siya rito. Any takers? Kapa-milya? Kapatid?

MART ESCUDERO, LUMIPAT NA SA TV5!

Isa na ngang ganap na artista ng TV5 ang Starstruck IV runner-up na si Mart Escudero. Noong una’y masigla pa ang karir ng binata sa Kapuso network lalo na nang makitaan ng chemistry ang tambalan nila ni Jennica Garcia. Nauwi sa totohanan ang kanilang pag-iibigan na ikinatuwa ng ilang fans. Nang sila’y maghiwalay, tuluyan nang nawala sa sirkulasyon ang aktor. Kasali si Mart sa bagong teleserye ng TV5 na ‘Babaeng Hampaslupa’ na pagbibidahan ni Alex Gonzaga. Bidang-bida naman si Mart sa Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington. Isa itong indie film na nakatakdang ipalabas sa Marso.

HEART EVANGELISTA, GUSTONG MAKASAMA SI AI-AI DELAS ALAS SA ISANG PELIKULA!

Hindi man natuloy sa pelikulang Ang Tanging Ina: Last Na To! si Heart Evangelista, sinabi naman nito kamakailan sa press na gusto niyang makasama pa rin sa isang proyekto si Ai-Ai delas Alas.

Marami ang nanghinayang dahil lahat ng anak sa nasabing comedy flick ay naroon maliban sa kanya. Gustung-gusto raw niyang gawin ang proyekto nang alukin ito sa kanya, ngunit masyadong magulo ang sitwasyon noon kaya hindi siya natuloy. Si Heart ang gumanap sa papel na Portia o Por, ang pang-apat na anak sa pampamilyang pelikula. Hindi pa naman huli ang lahat at marami pa namang storylines na swak sa kanilang dalawa, ‘di ba?

Show Twitz

Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “SOLENN HEUSSAFF, PINOPORMAHAN NG GLEE ACTOR?

  1. Pingback: Bucks biology professor’s ‘Secret Life’ revealed on PBS series ‘NOVA’ | Amazing Videos

  2. Pingback: Tweets that mention SOLENN HEUSSAFF, PINOPORMAHAN NG GLEE ACTOR? « Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.