Solenn Heussaff, nagbalik ng sigla ni Vhong Navarro

Vhong-Navarro-Solenn-HeussaffMALAKING FACTOR si Solenn Heussaff para magbalik-sigla sa trabaho si Vhong Navarro nang gawin nila ang pelikulang Da Possessed ng Star Cinema at Regal Films. Hataw sa takilya ang nasabing comedy film ni Direk Joyce Bernal kahit Holy week ito ipinalabas. Pinatunayan ni Vhong na patuloy siyang sinusuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Kahit first time nakatrabaho ni Vhong si Solenn, puring-puri niya ito sa galing sa comedy. “Talented and promising na komedyana si Solenn. Mahusay ang kanyang comic at napaka-natural mag-deliver ng kanyang linya. Sobra akong na-impress sa kanya.”

Pagdating naman sa tandem nina Vhong at Direk Joyce Bernal, subok na sila sa takilya. Unang idinirek nito ang magaling na comedian sa pelikulang Mr. Suave at sinundan ng Agent X-44 na parehong tumabo sa takilya. Kahit first time lang nakatrabaho ni Direk si Solenn, malaki ang paghanga niya sa singer/recording artist/model. Kahit daw super sexy at sensual ito, wholesome pa rin ang image. Napakagaan daw katrabaho at lahat kasundo nito sa set.

“Maganda ang rapport nila ni Vhong as actors. Kapag pinanood mo sila, mararamdam ‘yun ng manonood,” say ng box-office director.

Maging si Solenn ay sobrang thankful na siya ang napiling maging leading lady ni Vhong. Lalo pa ngayong big hit ang pelikula nila. Masasabi niyang isa sa mga milestone sa kanyang acting career ang makagawa ng movie sa Star Cinema at mai-direk ni Joyce Bernal. Hoping siya na makagawa uli ng movie sa Star Cinema at makatrabaho ang mabibigat na artista ng Star Magic tulad nina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual and Gerald Anderson.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Solenn Heussaff, nagbalik ng sigla ni Vhong Navarro

  1. O ayan Kristd, ang isang tauhan ni Cedric na kasama sa mauling incident ay umiyak na at gusto nang magsabi ng totoo provided he will be given protection dahil takot daw ito kay Cedric, according to the news dun sa pep. O ayan magagalit ka na naman kay Vong dahil may kakanta na sa mga tauhan ni Cedric. O anong masasabi mo ngayon.,

Leave a Reply

Your email address will not be published.