Solenn Heussaff, kinasuhan ng BIR

SINAMPAHAN NG P3.6 million tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang sexy actress at men’s magazine model na si Solenn Heussaff sa tanggapan ng Department of Justice (DoJ).

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares na hindi idineklara nang tama ng aktres ang kanyang buong kita noong 2011 kaya umabot sa nasabing halaga ang kanyang tax liablity, surcharges at interests.

Nabatid na bukod sa ginampanang pelikula, regular ding lumalabas sa telebisyon si Solenn at nagmomodelo rin sa ilang men’s magazine.

Katunayan, nakasama pa ang aktres sa listahan ng sexy models sa bansa.

Nabatid na half-French at half-Pinay si Heussaff ngunit ilang taon na ring namamalagi sa bansa.

Samantala, maliban sa aktres, kinasuhan din ang certified public accountant (CPA) na si Teofilo Magno Jr. na gumawa ng certification of financial statement.

Sa ngayon, sina Heusaff at Magno ang ika-158 na kinasuhan kaugnay ng kampanya ng BIR na Run After Tax Evaders.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.